Una sa Balita

Karapatan ng single mom

By
0 751

Dear Atty. Claire,

Good day po Atty. Claire. Nabasa ko po sa internet itong article ninyo sa Abante kaya po gusto ko po itanong ang karapatan ng anak ko bilang ako ay single mom.

Nangyari po kasi ay buntis pa lamang ako ay mag-isa na po ako nagtataguyod sa anak ko sa tulong ng ate ko po (nu’ng dalaga pa po siya). Natustusan ko po ang needs namin mula sa pagbubuntis hanggang sa manganak po ako nang hindi tumutulong ang ama. Now ay mag-7 years old na po siya ay wala pa rin pong sustento kaming natatanggap.

Abante Hiring – IT dep

Siguro dahil po nkikita nila nagtitinda po ako ng lugaw at sandwiches. Ngayon po ang tanong ko, karapatan po ba ng anak ko na pag-aralin siya or sustentuhan po siya sa pag-aaral niya?

Grade 2 na po siya pagpasok. Actually I tried na ipasok siya sa public pero na-bully at nawalan ng interes ang anak ko po sa pag-aaral. Ayaw na po niya doon sa school kaya po gusto ko na i-private school siya ‘til Grade 6 pero ‘di ko naman po kaya. Hihingi sana ako ng tulong sa side ng ama niya.

Nangyayri po kasi na parang wala po silang kusa. ‘Yun lang po ang gusto ko pong malaman kung responsibilidad din po ba nila tulungan ako sa education ng bata. Maraming salamat po at pasensiya na po kayo ang haba po ng sulat ko.
Thank you po Atty. and God bless po.

Shane

***

Dear Ms. Shane,

Nais ko lang malaman kung na-recognize ba ng ama na anak niya ang anak mo. Ayon sa iyo ay ikaw na ang nagtaguyod ng pagbubuntis hanggang sa mga oras na ito kaya nais kong malaman kung may pagkakataon ba na tinanggap ng boyfriend mo ang bata dahil hindi kaagad tayo makakahingi ng suporta sa ama kung sakaling itanggi niya ang relasyon sa bata.

Dahil kakailanganin mo pang patunayan na siya nga ang ama.

Ngunit kung may mga ebidensiya naman na tinanggap niya ang bata bilang kanya ay may karapatan ang bata na makahingi ng sustento sa kanyang ama. Kahit pa hindi kayo kasal ay obligasyon ng mga magulang na sustentuhan ang pangangailangan ng bata habang ito ay menor-de-edad at hanggang sa makapagtapos ng pag-aaral.

Kung sakaling ayaw sustentuhan ng ama o kulang ang ibinibigay na sustento nito ay maaari mong hingin ang sustento mula sa mga magulang ng boyfriend mo upang itaguyod ang pa­ngangailangan ng anak mo. Sa kasong Sps. Lim v. Lim, Gr, No 1623209, October 30, 2009 ay sinabi ng Supreme Court na ang mga lolo at lola sa parehong panig ng nanay at tatay ng bata ay maaaring obligahin na magsuporta sa apo kung ang magulang ay hindi nagsusuporta o kulang ang suporta.

Sa ngayon ay maaa­ring padalhan muna ng demand letter ang ama ng bata at mag-demand ng sustento at kung ayaw niyang magbigay ay maaari mong sampahan ng kasong Violation of Anti-Child Abuse Act at ng Violation Against Women and Children. Makakapagsampa ka rin ng kasong civil para sa paghingi ng suporta para sa bata.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com