Una sa Balita

Karapatan ng pamahalaan ang maningil ng amilyar

0 605

Dear Atty. Claire,

Sana po mabigyan ninyo ako ng payo tungkol sa amilyar ng bahay ng nanay ko.

Mula 2014 hanggang 2018 hindi niya nabayaran ang amilyar ng bahay pero updated po ang lupa. Ang dahilan kung bakit hindi mabayaran ang amilyar ng bahay ay dahil mas­yado po malaki ang babayaran. Umabot na sa P120,000 kasama ang penalty interest.

Nagpadala na rin ng abiso ang Assessor’s Office na bayaran ang aming amilyar. Nakiusap nanay ko na baka mabawasan kahit konti dahil mahina na rin ang kanyang negosyo at senior citizen na rin siya. Pero hindi pumayag ang Assessor’s Office at binigyan kami ng dalawang taon para bayaran ang amilyar.

Kapag nabayaran po ba namin ang unang tatlong taon ay papa­yag kaya ang Assessor’s Office na mabawasan ang ­interest at penalty? Maraming beses na kasi kami nakiusap pero lagi nilang sinasabi na hindi mababawasan at bayaran na lang sa loob ng dalawang taon ang utang kung ayaw daw namin maisyuhan ng warrant of levy.

Sana po mabigyan ninyo kami ng payo.
Alisa

Dear Ms. Alisa,

Related Posts

Nakakalungkot man ngunit talagang ay karapatan ang lokal na pamahalaan na mani­ngil ng real pro­perty tax o amilyar kada taon.

Sa sitwasyon ninyo ay limang taon ang hindi ninyo nabayaran na amilyar at ayon kasi sa batas ay dapat na masingil nila ang buwis na ito ng hindi lalagpas ng limang taon at kung hindi ay mawawalan na sila ng kapangyarihan na singilin pa ito.

Ang umiiral na batas sa ngayon ay ang Local Government Code of 1991, Sec. 270, na nagsasaad: SEC. 270. Periods Within Which To Collect Real Pro­perty Taxes. The basic real property tax and any other tax levied under this Title shall be collected within five (5) years from the date they become due. No action for the collection of the tax, whether administrative or judicial, shall be instituted after the ­expiration of such period.

Sa pagbibigay ba nila sa inyo ng dalawang taon para mabayaran ang amilyar ay may kaakibat o kasamang penalty at interest? Kung ang na-compute nila na babayaran ninyo ay para sa 2 year installment ngunit magagawa naman ninyong mabayaran ito ng hindi aabot ng dalawang taon ay dapat lamang na magkaroon ng re-computation para maibawas ang interest at penalty na kakainin sana kung dalawang taon ninyo babayaran ito.

Ngunit kung dalawang taon talaga ninyo mabubuno ang pagbabayad ay talagang may karapatan silang maningil ng penalty at interest. Dahil kung hindi nila gagawin ito ay marami ang mang-aabuso at hindi babayaran ang buwis na ito sa oras.

Tandaan na ang buwis ay ang ‘lifeblood’ ng gobyerno at diyan nila kinukuha ang pantustos sa mga gastusin ng pamahalaan.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 8410-7624/8922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More