Una sa Balita

Karapatan ng kaguruan

0 305

Dear Abante,
Isa akong dating guro sa isang pribadong paaralan, nagsusumikap matapos ang dagdag na 18 units of education upang magkaroon ng pagkakataong makapagtrabaho sa pampublikong paaralan.

Mas mataas na sahod mula sa gobyerno, mga lantad na benepisyo, at kasiguraduhan ng pananatili sa serbisyo sa pang matagalang panahon.

Ngunit sa kasalukuyan ay nasasangkot ang kaguruan sa isang nakalulungkot na usapin tungkol sa panga­ngalaga sa kanila bilang taga pagbigay ng dunong sa mga kabataan, nakalulungkot ang mga palitan ng argumento at walang kabuluhang katwiran.

“Ginamit nila ang lumang restroom kasi mas dramatic at touching”­ ang husgang binitawan ng Ina ng kagawaran ng edukasyon. Ang nakikita niyang anggulo sa pagkalat ng isyung ito ay pagpapaawa ang motibo ng mga guro upang sila’y mapansin. Ano naman kaya ang makukuha nila mula rito?

Nakadudurog ng puso ang realidad ng buhay ng kaguruan sa Pilipinas. Habang nagsusumikap tayong maibigay ang dunong para sa ating mga mag-aaral ay huhusgahan pa tayo na para bang mga opurtunista gayong ang nais lang naman natin ay mabigyan rin ng hustong pagtrato ang mga manggagawang dahilan kung bakit mayroong doktor, inhinyero, sundalo at mga propesyonal na nakaupo ngayon sa gobyerno. Pansinin at tugunan niyo naman ng husto ang pangangailangan ng mga pangalawang magulang na nagnanais lamang na ang mga mag-aaral ay matuto.

Jerome ng Gulod

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy