Una sa Balita

Karapatan ng illegitimate child

By
0 2,694

Dear Atty. Claire,

Good day po. Regarding po sa batas na pinapayagan po na magamit ang surname ng ama basta kinikilala niya anak kahit illegitimate ang bata. Ang sabi daw po ng kausap nila na midwife binago na daw po muli ang batas at hindi po daw pwede gamitin ang surname ng tatay. Totoo po ba na nabago na ang uli ang batas na RA9255?

Salamat po.

Bobby

Bobby,

Wala pa akong alam na hindi na maaaring gamitin ang probisyon ng RA 9255. Ang batas na iyan ay talagang isinagawa upang mapakita ang karapatan ng isang illegitimate child na kilalanin at mabigyan ng apelyido ng ama.

Maaari pa rin pong isunod sa pangalan ng tatay ang bata lalo pa at siya mismo ang pumirma sa likuran ng birth certificate upang kilalanin na anak niya ang bata.

Hangga’t hindi na nagagawa ang birth certificate ay ayusin na po ito upang hindi na ninyo pa ayusin kapag nasa kamay ng Local Civil Re­gistrar at ng NSO (PSA).

Kung hindi na nga po nagawa nang tama, at naipangalan na sa nanay ang bata ay maaari naman pong ayusin ito sa Local Civil Registrar kung saan nakarehistro ang birth record ng anak sa pamamagitan ng pagpapagawa ng Affidavit to Use the Surname of the Father (AUSF). Narito po ang mga maaaring magpagawa at dapat na gawin:

Sa mga napanganak na mga bata na gamit ang apelyido ng nanay ay maaaring gamitin na ang apelyido ng tatay kapag siya ay kinilala bilang anak nito at isusumite na lamang niya ang AUSF sa Local Civil Registrar.

Kung wala namang expressed recognition ay maaari pa rin magamit ng bata ang apelyido ng tatay sa pamamagitan ng mga dokumento na magpapakita ng pagkilala niya sa bata bilang anak niya tulad ng mga sumusunod:

*Any two of the following documents showin­g clearly the paternity between father and child:

(1) Employment records;

(2) Social Security System/Government Service Insurance System records;

(3) Insurance;

(4) Certificate of membership in any organization;

(5) Statement of assets and liability; and

(6) Income tax return.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624 o 922 0245 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com