Una sa Balita

Karangalang makasama si Ate Guy

0 156

Ngayong araw, February 26, marks the third day ng airing ng aming bagong tele­serye titled “Bilangin Ang Bituin Sa Langit” with no less than the country’s one and only Superstar, Ms. Nora Aunor at award-winning dramatic actress, Ms. Mylene Dizon.

Nagsimula itong i-ere last Monday, February 24 sa GMA Afternoon Prime (4:15 ng hapon) pagkatapos ng “Prima Donnas,” at masaya naman kami sa magandang feedback ng aming show.

Ang serye ay mula naman sa direksyon ng award-winning TV & film director, Ms. Laurice Guillen at honored po talaga akong maidirek ng isa sa mga magaling na female filmmaker ng ating bansa.

Para sa akin, it’s ano­ther challenging role. My role is Maggie de la Cruz, anak ni Magnolia “Nolie” de la Cruz (played by My­lene) at apo ni Mercedes “Cedes” de la Cruz (ginagampanan ni Ate Guy).

Si Maggie po ay domi­nated by her mother, kumbaga, lahat gagawin niya basta okay sa Mama niya. Hindi siya gagawa ng move na hindi okay sa Mama niya, until na-meet niya si Jun (played by Yasser Marta) at na-realize niya na there’s more in life.

Eventually, magiging rebellious daughter siya. Magiging rebellious ‘yung character ko. Medyo mahirap dahil in real life, hindi po ako ganu’n. But with the help of our director at mga co-actor ko, mas na­giging madaling gampa­nan ‘yung character ko.

At katulad din po ng sabi ni direk Laurice, magiging adventurous-type of teenager si Maggie. Very exciting po at talagang nakaka-challenge sa akin.

In the meantime, napapanood po kami ­tuwing hapon, weekdays, at maraming salamat sa ­lahat ng tumutok sa amin sa una at pangalawang araw ng airing namin.

Nagsisimula pa lang po ang buhay ng De la Cruz family and there’s more to it. Nai-excite na po ako sa paglabas ng character ko next week.

Inuulit ko po, sobrang honored po akong makasama sina Ate Guy at Ms. Mylene dalawa sa hinahangaan kong aktres at iba pang bumubo ng cast.

Indeed, working with them is a priviledged. I’m humbled, honored at sobrang kilig.

Nasa cast din po sina Ricky Davao at Dante Rivero na gumaganap ng isang napakaha­lagang papel sa series.

Of course, andiyan pa rin po sina Gabby Eigenmann, Zoren Legapi, Isa­bel Rivas, Candy Pangi­linan, Divina Valencia at Ina Feleo.

Sa casting pa lang, ­panalo na po kami.

Ciao! Until next Wednesday. Diyos mabalos sa indo gabos! God bless po!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More