Una sa Balita

Karanasan’ sa Thailand armas ni Aby

0 406

GAGAMITING armas ni Aby Maraño ang pagkatalo sa Thailand, 16-25, ­22-25, 32-34, Huwebes nang gabi sa preliminaries ng women’s indoor volleyball sa 30th Southeast Asian Games.

Balak ni Maraño na gamitin ang natutunan sa losing ­effort ­kontra Thailand pagharap ­naman nila ngayon laban sa ­Indonesia ngayong araw.

“‘Yung experience pa rin, ‘yung paghihirap na pinagdaanan namin kanina sa game. Nakita niyo naman, one is to one, kung lalayo man ‘yung Thailand, hahabol at hahabol kami,” kwento ni Aby.

“’Yung experience na ‘yun, ­madadala namin sa mga susunod na laro. At the same time, ‘yung kumpyansa, kasi kung kinaya naming makipagdikdikan sa Thailand kanina, siguro hindi imposible na kakayanin namin ‘yung susunod na mga laro namin.”

“So dadalhin ­namin lahat ng mga natutunan namin at lahat ng paghihirap na in-exert namin kanina, ‘yung efforts, ­dodoblehin pa namin. Kung hindi dodoblehin, hihigitan pa namin kung ano pa ‘yung kaya ­naming gawin as a team.” (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy