Una sa Balita

Karambola ng 11 sasakyan, 30 sugatan

By
0 2,129

NAWALAN ng preno ang isang tourist bus sa northbound lane sa kanto ng Roxas Boulevard at Airport Road na dahilan upang araruhin nito hanggang sa magkarambola ang mahigit sa 10 sasakyan na ikinasugat ng may 30 pasahero at bystander kahapon ng umaga sa Baclaran, Parañaque City.

Ayon kay Rolly Venturado ng Parañaque City Disaster Risk Reduction and Management Office, sa 30 nasugatan ay 17 lamang ang naisugod sa San Juan De Dios Hospital habang ang tatlo ay nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan at ang iba naman ay nagtamo lamang ng sugat sa braso at pasa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ang 13 pang sugatan ay hindi na nagpadala sa pagamutan matapos magkagalos sa tuhod at braso.

Sa isinagawang imbes­tigasyon ni PO3 Michael Llonisa ng Parañaque Traffic Enforcement Unit, dakong alas-8:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kanto ng Roxas Boulevard at Airport Road northbound lane sa nasabing lungsod.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na nawalan umano ng preno ang tourist bus na Classic Leisure International Travel and Tour na may plakang TYT-831 at minamaneho ni Ricardo Lope, 48-an­yos, may asawa tubong Pamaasan Ginubatan, Albay hanggang sa araruhin nito ang mga sasakyang nakatigil dahil sa nakapula ang traffic light sa nasabing lugar.

Sangkot sa aksidente ang dalawang bus, apat na pampasaherong jeepney, dalawang UV express at dalawang motorsiklo.

Dahil sa lakas nang impact na pagkakabangga ay nagregudon sa loob ng mga sasakyan ang mga pasaherong mga jeep at UV express habang ang ilang mga commuters na nag-aabang ng sasakyan ang nabundol din.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More