Una sa Balita

Karahasan sa fraternities, magpapatuloy kung… – Koko

0 590

Nagbabala si Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na magpapatuloy mga karahasan sa mga fraternity kung hindi makikiisa ang administrasyon ng mga paaralan.

Sinabi ni Pimentel na panahon na upang magpatupad ang mga paaralan ng mas mahigpit at istriktong monitoring sa bawat aktibidad ng mga organisasyon sa kanilang campus.

Ipinaliwanag ng Senate President na 20 taon na simula nang ipatupad ang Anti Hazing Law subalit napatunayan sa pagkamatay ni Horacio Castillo III na sadyang hindi epektibo ang batas.

“What’s the solution then? Do we strengthen the law, or do we take a different approach and demand that schools take a tougher regulatory stance vis-a-vis these fraternities?” saad ni Pimentel.

Binigyang-diin ni Pimentel na kailangang kilalanin ng mga unibersidad at kolehiyo ang mga fraternity at sorority subalit dapat ding dagdagan ang kanilang aksyon upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa batas.

Inirekomenda pa ni Pimentel na dapat mayroong faculty adviser na tutulong sa pag-monitor sa mga aktibidad ng fraternities.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy