Una sa Balita

Karagdagang ₱15K pensyon ng mga WW2 veteran itinulak sa Senado

By
0 81

NAIS ni Senador Gregorio ‘Gringo’ Honasan na itulak sa Senado ang umento sa pensyon ng mga beterano ng World War 2.
Nasa P5,000 kada buwan ang kasaluku­yang natatanggap na pensyon ng mga WW2 veteran na nais iakyat ng senador sa P20,000 kada buwan.

Nakapaloob ito sa Senate Bill No. 1766 na inihain ni Honasan para dagdagan ang pensyon na natatanggap ng mga buhay pang sundalo na sumabak noong WW2 sa Vietnam at Korea na hindi umano nakakatanggap ng pensyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Paliwanag ni Honasan, ang nais nitong umento ay limitado lamang sa mga eligible at nabubuhay na mga senior veteran at hindi rin aniya puwedeng ilipat sa kahit sinong miyembro ng pamilya o dependent.

Abante Hiring – IT dep

Kung pumanaw na ang isang senior vete­ran, ang pensyon naman para sa nabubuhay na asawa ay mananatili sa P5,000.