Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapuso leading man lampaso kina Enrique, Daniel

0 336

Medyo hindi namin kineri nang malaman namin ang identity ng sinasabing “Bagong Leading Man” ng Kapuso network.

Paulit-ulit kasi itong pina-plug at ang taas na rin ng anticipation at expectation ng mga Kapuso. Kanya-kanya na ngang hula ang nababasa at nakararating sa amin.

May nagsasabi pang mala-Enrique Gil at Daniel Padilla raw ito.

In fairness, may look naman at may dating din kung mapa-package nang husto. Mukhang may ibubuga rin sa pag-arte. Yun nga lang, hindi na siya bago sa GMA. Napapanood na ito sa maraming programa ng network. Kaya mali ang hula ng karamihan na bagong recruit ito.

Yung sa mala-Enrique at Daniel—- hahayaan na lang namin ang mga netizen ang humusga. Sa buhay na ito, mas masarap pa rin ang walang masyadong expectation.

Bela pumuslit pa-Turkey kasama ang dyowa

Nag-celebrate ng kanilang ika-3rd anniversary ang magkakaibigang Kim Chiu, Angelica Panganiban at Bela Padilla. Kung tawagin ng tatlo ang kanilang friendship ay “Ang Beki.”

First time lumabas ni Kim o mag-out-of-town simula nang magkaroon ng pandemic. Si Bela ay walang sinabi dahil may balita ngang nakapag-out-of-the-country pa ito kasama ang diumano’y rumored boyfriend sa Turkey.

Walang sinabi si Kim kung saan lugar sila nagpunta, pero sa Instagram post ni Angelica, nilagay nito ang location which is in Subic, Zambales.

Good vibes lang ang friendship nilang tatlo. Ipinakita ni Kim sa kanyang vlog ang kanilang first beach trip na siyempre, walang nagpatalbog sa paseksihan at pagtu-two-piece.

Naaliw kami sa napanood namin sa kanila, kung hindi mo alam na mga kilalang artista, para lang din silang mga ordinaryong magkakaibigan na nag-overnight at nag-bonding.

Janine, Rayver magkasama sa Palawan

May palagay kaming sunod-sunod na ang mga artistang mangangahas na mag-out-of-town o magpunta ng beach. Nandiyan na nga si Janine Gutierrez na tila pa-birthday sa sarili na nakalipad papuntang El Nido, Palawan.

Siyempre, kasama ang boyfriend na si Rayver Cruz.

At hindi naman throwback pictures ang mga post niya kung hindi real time na. Wala pa silang pino-post na picture na magkasama. Either, iniiwasan muna nila ito o pang-finale.

Ang Kapuso It Girl na si Gabbi Garcia ay nakapag-dagat na rin. Sa Batangas naman ito kasama rin ang boyfriend na si Khalil Ramos.

Maganda rin ang nangyayari basta lang siguro sumusunod pa rin sa safety protocols. Usually, ibang bansa ang destinasyon ng mga artista, pero ngayon, support local tourism muna at the same time, nakakatulong din sila para ma-promote ang mga tourist destination sa Pinas.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.