Una sa Balita

Kapuso actor babaeng – babae na

By
0 5,458

Bukod sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka, bida si Martin del Rosario sa Born Beautiful, ang drama comedy series na project ng The Idea First Company nina Jun Lana at Perci Intalan.

Si Martin ang ipinalit kay Christian Bables bilang Barbs, ang lead character sa Born Beautiful at hindi nagkamali sina Jun at Perci sa pagpili sa kanya dahil n­abigyan niya ng justice ang role.

Convincing na transgender woman si Martin sa teaser ng Born Beautiful at hindi siya nagpatalbog kay Paolo Ballesteros sa mga eksena nila na pampelikula pero mapapanood sa Cignal TV.

Maraming isinakripisyo si Martin nang tanggapin nito ang Born Beautiful. Balbon si Martin kaya ang pagpapatanggal ng balahibo sa buong katawan ang pinakamasakit sa lahat ng mga sakripisyo niya.

Babaeng-babae ang itsura at mga kilos ni Martin sa Born Beautiful kaya hindi masisisi ang publiko kung muli nilang pagdudahan ang sexual preference ng aktor dahil sa parang hindi umaarte na performance niya.