Una sa Balita

Kapritso ni Heart ‘di tinutustusan ni Chiz

0 482

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyAng da-ming nilinaw ni Sorsogon Gover-nor-elect Chiz Escudero sa mga kuwento tungkol sa kanila ng asawa niyang si Heart Evangelista, sa live guesting niya sa “Abantelliling,” ang online show namin ni Dondon Sermino, nitong Miyerkoles nang hapon.

Dumayo pa si Chiz sa opisina ng Abante sa Makati para lang makapag-guest sa amin nang live sa show.

Unang nilinaw ni Chiz na walang magiging parte o role si Heart sa pagiging Governor niya ng kinalakihang lalawigan.

Sinabi nitong hindi angkop ang tinatawag na “First Lady” si Heart sa posisyon niya ngayon dahil wala namang ganitong designation, gaya ng mga nasa Kongreso at Senado.

Na kay Heart raw kung gusto nitong gumawa ng proyekto nito, gaya ng plano nitong magtayo ng shelter ng mga abandoned animals sa lalawigan nila.

Tutulong lang ang lalawigan kay Heart, pero sariling pondo nito ang magmi-maintain ng shelter.

Pangalawa, pera ni Heart ang ginagastos nito sa mga ipinambibili niya ng mga luxury item. Nagbibigay lang raw ng pandagdag niya si Chiz.

Pinagsasabihan raw ni Chiz ang asawa sa kapritso nito sa mga luxuries accessories pero hinahayaan niya ito para malaman nito ang hapdi ng pagbabayad sa credit card.

Nilinaw ni Chiz na hindi lahat ng mga nakikita ng netizen sa social media ay binili ni Heart. Ang iba ay binibigay ng mga sponsor para lang ma-promote ang kanilang produkto o store.

Ang pamosong si Panda na alagang aspin ni Heart, ay hindi naman niya talaga pinapaliguan ng mga mamaha-ling gamit gaya ng Hermes. Marami sa mga ito ay bigay ng mga sponsor para mapakita ang kanilang mga ibinebentang item.

Biro nga ni Chiz, sa mga ipinapadalang mga regalo kay Heart ng mga sponsor niya, masuwerte na meron ditong nakasama na isa o dalawang items para sa kanya.

Hindi na bumibili ng anuman si Chiz para sa asawa. Binibigyan na lang niya ito ng pera para ito na ang bumili. Bahala na lang raw si Heart na dagdagan ang ibinigay niya.

Muli, binanggit ni Chiz na may pre-nuptial agreement sila ni Heart, na nagsasaad na kung anuman ang merong naipon ang asawa, sa kanya lang ‘yon at hindi kahati ang kanyang asawa.

Biro ngang sabi ni Chiz, kung anong meron siya ay kabahagi rin doon si Heart.

Punong-puno ng saya at halakhakan ang buong panayam namin kay Chiz na mapapanood pa sa Abante News Online sa Facebook at YouTube.

Neri Naig sangkatutak ang kulugo

Tinubuan ng mara-ming warts si Neri Miranda, ang misis ni Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda.

Nakaposte sa Instagram wall ni Neri ang close up shot ng kanyang leeg na makikita ang m­araming mga treated warts.

Ayon sa caption ng photo, dulot ito ng kanyang pagbubuntis. Sumulpot ang mga warts niya nang magdalantao siya.

Isa lang ito sa mga pagbaba-gong naramdaman at nakita niya sa kanyang katawan nang magdalantao siya.

Ang pagbubuntis ang isa sa pinakamahirap na stage na pagdaraanan ng isang babae, gustuhin man nila o hindi.

Ngayon lang siya nagkaroon ng pagkakataong ipatanggal ang kanyang mga warts na ikinagulat niya sa dami.

Kaya nga dapat raw inuunawa ang mga nagdadalantao dahil hindi madali ang mga pinagdaraanan ng mga ito.

Sa huli ng kanyang mensahe, sinabi nitong mahalin at alagaan ang mga buntis lalo’t hindi sa pa-nganganak natatapos ang kanilang sakripisyo kundi pagkatapos nilang manganak hanggang sa pag-aalaga ng kanilang baby.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy