Una sa Balita

Kapre nag-ala guwardiya sa opisina

0 252

MGA ka-Misteryo nakakita na ba kayo ng kapre? Paano kung ang kapre na makikita niyo ay guwardiya sa opisi­nang pinapasukan niyo?

‘Yan ang ating paksa ngayon: ‘Basta may Misteryo, alamin ang totoo!’
Isiniwalat ni Remo ng Marikina sa #TeamMisteryo ang kanyang karanasan sa kanilang opisina at tulad ng ibang empleyado ay kailangang mag-time in sila sa mismong harapan ng guwardiya.

Pagdating sa pintuan ng kanilang opisina ay binati siya ng guwardiya pero bago lang ang mukha, hindi ‘yung mga kilala niyang guwardiya.

Inisip ni Remo na baguhan lang ang guwardiya kaya ngumiti na lang siya.

Naging abala sa buong maghapon ng trabaho sa IT si Remo at nang mag-out na siya sa gabi ay ibang guwardiya na ang nasa pintuan. Inisip niyang nagka-relyebo na ang mga guwardiya.

Kinabukasan, humahangos na pumasok si Remo at binati siya ng dati nang guwardiya kaya nagtaka siya dahil wala ‘yung bagong guwardiya na nakita niya. Binalewala lang niya ito at sa gabi nang pauwi na siya ay pumipirma siya sa logbook ng guwardiya nang biglang may tumabi sa kanya — sobrang tangkad na lalaki. Pagtingala niya, kamukha siya ng baguhang guwardiya pero iba ang kasuotan.

Team Misteryo: “Anong nakita mo? Anong hitsura niya?”

Remo: “Balbas sarado siya matangkad at luma ang kasuotan. Nagpanggap lang siyang guwardiya ‘yun pala kapre siya. Hindi naman ako natakot sa kanya. Mabait naman.”

Hindi naman kailangan katakutan ang mga kapre at ibang nilalang, kailangan lang na respetuhin din sila tulad ng kapwa natin tao.

***

Para sa inyong kuwentong karanasan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy