Una sa Balita

Kapre ang kasangga

0 396

Mga ka-Misteryo naka­kita na ba kayo ng kapre? Isang uri ng elemento na nakatira sa mga punungkahoy at kuweba.

Karaniwang kinatatakutan ng tao ang mga kapre, pero may nakausap ang #TeamMisteryo na nagsisilbi niyang sidekick ang isang kapre.

Iyan ang ating paksa ngayon: “Kapag may Misteryo, alamin ang totoo!”
Isang eksperto sa paranormal si Ramon ng Bulacan at ang mga kasangga niya sa pagtulong sa mga naengkanto ay mismong mga elemento ng kalikasan tulad ng mga duwende, diwata, lambana at kapre.

Nang tanungin ng #TeamMisteryo si Ramon tungkol sa mga ka-tsokaran niya ay masaya niyang sinabi na maganda ang kanilang samahan para makatulong sa tao.

Team Misteryo: “‘Yung kapre, hindi ba nakakatakot mukha niya? ‘Di ba mataas siya? Paano mo siya nakilala? Hindi ba siya nananakit ng tao?”

Ramon: “Ha ha ha! Mabait si Karbo kasi siya ang healer sa mga kaibigan ko.

Hindi siya nakakatakot dahil nasa good side siya kalaban niya ang bad kapre. Nakilala ko siya sa Bundok Banahaw kaya banal siya kung ituring ng ibang engkanto.”

Team Misteryo: “Ano ang ginagawa ni Karbo? Sabi mo kasi healer siya?”
Ramon: “Gamit ni Karbo sa panggagamot ang abo ng kanyang tabako may ibang pagkakataon na gumagamit siya ng kapangyarihan ng puno.”

Team Misteryo: “Hindi ka ba kinakabahan na baka ikaw naman ang balikan ng mga kaibigan mo tulad ni Karbo? Baka ikaw ang saktan o kaya ay sapilitang kunin sa kanilang kaharian?”

Ramon: “Hindi ako takot… kaibigan ko nga sila ‘di ba? Mahalaga sa pagkakaibigan ang respeto at tiwala.”

Team Misteryo: “Ano ang pinakamatinding kaso na nahawakan mo para hingan ng tulong si Karbo?”

Ramon: “Kapag may sinasapian, tinatawag ko si Karbo lalu na kung pareho niyang kapre o engkanto ang kaila­ngang palayasin.”

Sadya ngang may mga tao na karaniwan na sa kanila ang maka­kita, makasalamuha at kasangga ang mga elemento ng kalikasan.

Ika nga, meron ta­yong kasabihan, “Kapag may dilim, may liwanag; kapag may masama, may mabuti at kapag may Misteryo, may katotohanan.” Ito ay patunay na lahat ay nilikha ng Diyos nang da­lawahan… ang lahat ay merong katapat.

Para sa inyong mga katanu­ngan, ku­wentong karanasan ng kababalaghan o Misteryo, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. Bisitahin ang website: www.reytsibayan.com at abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy