Una sa Balita

Kapos sa hakot sa senatoriable sortie, mga police chief pinagmulta

By
0 517

NAGING instant fund-raising para sa mga pulis ang provincial sortie ng isang senatoriable ­dahil pinagmulta ang mga police chief na hindi nakapagbitbit ng napagkasunduang hindi bababa sa 50 kataong hakot.

Pinamagatang ­“anti-drug summit” ang pagtitipon at hakot ang umano’y ‘force multipliers’ mula sa 27 bayan at 5 lungsod ng lalawigan.

Habang wala pa ang senatoriable na special guest ay sinubukan ng dalawang emcee na mag-check ng attendance.
Laking-gulat ng lahat na sa unang bayan pa lang ay tila hepe lang ang dumalo at sa iba pa ay iilan lamang ang sumipot.

Dito na pumapel ang isang lady police ­colonel at inisa-isa ang mga bayan at pinatayo ang attendees.

Ura-urada itong nagpalabas ng polisiya na kapag kulang sa 50 ang tumayong kinatawan sa isang bayan ay magmumulta ang hepe ng P500 at kapag sadyang mababa ang bilang ay P1K.

Nang makaipon mula sa simpleng pa­ngongotong ay nagpa­laro ng “Jack en Poy” si colonel at nagpapremyo ng P5,000 sa nagwagi.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy