Una sa Balita

Kapos na sweldo ‘most urgent’ na sentimiyento

By
0 13

Lumilitaw na “most national urgent concern” ng mga Pinoy na madagdagan ang kapos na sahod ng mga manggagawa, pagkontrol sa inflation at paglikha ng maraming trabaho.

Batay sa March 2017 Pulse Asia Survey, 43% ng mga Pinoy ang humihirit ng dagdag na sahod habang 41% naman ang nagnanais na makontrol ang inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo.

Nasa 39% naman ang gustong magkaroon ng ma­raming trabaho na mapapasukan sa loob ng bansa.

“These concerns are among the priorities of the government as highlighted in the 10-point socioeconomic agenda of the President, embodied in the Philippine Development Plan 2017-2022, to equalize opportunities for human development,” ani presidential spokesperson Ernesto Abella.