Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapitbahay sinalisihan ng Batang City Jail

0 121

Arestado ang isang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) matapos nitong looban ang kanyang kapitbahay kamakalawa ng madaling-araw sa San Andres Bukid, Maynila.

Inaresto ng mga tauhan ng Dagonoy PCP ang suspek na si Joshua Villamor y Gonzales, 22, ng 2438 Onx St., San Andres Bukid.

Ayon kay Angel de Belen, kapitbahay ng biktimang si Paul Lansangan y Gonzales, 26, nakita niyang lumabas si Villamor sa bahay ng biktima at binibilang ang hawak na pera.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nabatid mahimbing na natutulog ang biktima at ang kanyang pamilya nang looban ng suspek at kinuha ang coin purse na naglalaman ng P10,000.

Sa tulong ng saksi, agad nagreklamo sa barangay ang biktima kaya dinakip ang suspek.

Sinampahan ng kasong theft sa Manila Prosecutors Office ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.