Una sa Balita

Kapitana Angelika dela Cruz inalipusta sa mga ipinamigay sa kanyang nasasakupan

0 1,273

Hindi lang sa mga medical, military, police frontliners namahagi ng mga face shield ang magkapatid na Mika at Angelika dela Cruz, kundi maging sa mga guwardiya ng mga mall at iba pang mga establishment.

Nakaposte sa Instagram ni Angelika ang kapatid na may larawan kasama ang mga police at military authorities na nabigyan nito ng face shield.

May larawan din si Mika kasama ang mga guwardiya ng malls na nakasuot pa ng face shields na ipinamamahagi nito.

Bilib na bilib naman ang character actress sa ginagawa ng nakababata niyang kapatid na si Mika.

Samantala, nalalagay sa puna at batikos si Angelika dahil sa relief goods na ipinamimigay raw nito sa mga residenteng nasasakupan, bilang isa nga siyang Barangay Captain.

Bigas at dalawang sardinas na may isang instant pancit canton lang daw ang laman ng loot bag na ipinamimigay ng aktres. Posibleng hapit sa budget ang bagangay ni Angelika kaya naman pinagkakasya lang nito ang nakayanan ng kanilang budget, mabigyan lang ang lahat ng kanyang mga constituent.

Barangay level lang ang hawak ni Angelica at umaasa lang siya sa tulong ng Mayor nila. (Rey Pumaloy)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More