Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapitana, 1 pa todas sa Albay ambush

0 206

Nasawi ang chairwoman at treasurer ng isang barangay sa Guinobatan, Albay matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin, Lunes ng hapon sa Barangay Sinugtan ng nabanggit na bayan.

Kinilala ng Guinobatan Municipal Police Station ang mga biktimang sina Barangay Batbat Chairwoman Luzviminda Davandante at Barangay Treasurer Albert Orlina.

SM food to go Banner Ad

Sa inisyal na ulat mula sa Police Regional Office 5, nangyari ang pananambang alas-3:45 ng hapon sa kahabaan ng Sitio Gumian, Barangay Sinugtang.

Pauwi na sana galing ng munisipyo ang mga biktima sakay ng motorsiklo nang tambangan ng mga suspek. (Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.