Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapitan, trike driver nagsuntukan

0 79

NAHULI sa CCTV camera ang pagsasapakan ng isang kapitan ng barangay at ng sinita nitong tricycle driver sa Sariaya, Quezon nitong Martes ng umaga.

Nakilala ang dalawa na sina Richard Pasumbal, 42-anyos na kapitan ng Barangay Poblacion 6, at si Bryan Baladad.

Batay sa kuha, nilapitan ng kapitan si Baladad na nakaupo sa kanyang nakaparadang tricycle sa Kasadya Street, Barangay Poblacion 6. Nagtalo ang dalawa hanggang mauwi sa suntukan.

Sa report ng Sariaya police, batay sa reklamo ni Pasumbal, sinisita raw niya si Baladad dahil sa pagparada ng tricycle nito sa kalye na ipinagbabawal sa kanilang barangay. Nag- matigas daw ang drayber kaya sila nagkainitan at nauna raw siyang sinuntok ng drayber.

SM food to go Banner Ad

Pero sa CCTV, makikitang mahinang sinuntok muna ng kapitan ang drayber kaya sumugod ito. Tumakbo ang huli na hinabol pa ng nauna at nang hindi maabutan ay kinuha ni Pasumbal ang susi ng tricycle at binasag ang salamin nito.

Pumunta pa ang kapitan sa hindi kalayuang bahay ng driver kung saan tila nagsisigaw ito at nagbunot pa ng baril, na depensa niya ay pananakot lang daw kay Baladad. Nagsampa sa pulisya si Pasumbal ng kasong Oral Defamation and Direct Assault laban kay Baladad.

Samantala, nakatakda ring maghain ng pormal na reklamo sa DILG ang tricycle driver. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.