Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapitan tinodas sa gasolinahan

0 167

PATAY ang isang barangay chairman nang ratratin sa isang gasolinahan sa Barangay Sto Niño, Guagua, Pampanga Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Barangay Sto. Niño chairman Ranier Asban, 45.

Sa inisyal na imbestigasyon, nakatayo ang biktima sa gasolinahan at nagsi-cellphone nang pagbabarilin ng naglalakad na suspek.

Agad tumakas ang suspek papunta sa Feeder Road, Barangay Sto. Cristo sa parehong bayan.

Naglagay ng checkpoint at dragnet operation ang pulis saka nagpa-flash alarm sa suspek na nakasuot ng itim na t-shirt, short pants at surgical facemask. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.