Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapitan tinodas habang nasa manukan

0 115

Pinagbabaril hanggang sa mapatay si Barangay Hulong Duhat Chairman Anthony ‘Tune’ Velasquez sa loob mismo ng kanyang compound sa Malabon City.

Nagtamo ng tama ng kalibre .45 ang 40-anyos na chairman sa katawan at ulo na dahilan ng agaran nitong pagkasawi. niyang ikinasawi.

Alas-kwatro ng hapon nang mangyari ang krimen, abala si Velasquez sa pag-aasikaso ng kanyang mga panabong na manok, kasama ang apat na tauhan. Makalipas ang ilang sandali pumasok sa gate ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo at walang habas na pinagbabaril ang biktima.

Nakatanggap na umano ng banta sa buhay ang kapitan bago ang krimen.

Dati rin umanong napasama ang pangalan nito sa narcolist, pero nagwagi sa nakalipas na eleksyon.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang pulisya sa tunay na motibo sa pagpatay sa kay Velasquez.

Kinondena naman ng lokal na pamahalaan ang pagpatay sa kapitan. (Orlan Linde)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.