Una sa Balita

Kapitan ng 22 mangingisdang Pinoy umatras sa meeting kay Duterte

0 305

Hindi tumuloy sa nakatakda sanang pakikipagkita kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacañang nitong Lunes ang kapitan ng 22 mangingisdang Pinoy na lulan ng bangkang pinalubog ng mga Chinese malapit sa Recto Bank sa Palawan.

Nabatid na nasa biyahe na kahapon papuntang Maynila galing sa San Jose, Occidental Mindoro si Junel Insigne, ang kapitan ng lumubog na FB GEM-VIR 1 nang magbago ang isip nito at nagpasyang bumalik na lamang sa kanilang bayan.

Nauna rito ay ipinahayag ni Insigne na kanyang hihilingin sa pagkikita nila ng Pangulo na mabigyan ng hustisya ang kanilang sinapit sa karagatan at hihingi rin umano siya ng tulong para maipagawa ang nasira nilang bangkang pangisda.

Napag-alaman na habang nasa biyahe na si Insigne para lumuwas ng Maynila ay tinawagan umano ito ng kanyang misis sa cellphone at sinabihang bumalik na sa kanilang tahanan matapos malaman na kinansela ang special cabinet meeting hinggil sa West Philippine Sea.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy