Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapitan, kulasisi nabulaga sa kuwarto

0 189

Arestado ang isang barangay chairman at dating barangay treasurer na umano’y kalaguyo nito matapos silang maaktuhang magkasama sa loob ng kuwarto ng isang resort Huwebes ng gabi sa Bulan, Sorsogon.

Kinilala ni Police Lt. Col. Jason Rey Colico, hepe ng Bulan Municipal Police Station (MPS) ang inireklamong mga suspek na sina Ariel Gupit, 47, chairman ng Barangay Aquino, Bulan, Sorsogon at Sharon Red, 39, may-asawa, dating barangay treasurer at residente din ng nasabing lugar.

Ayon kay Colico, mismong ang asawa ni Sharon na nakilalang si Ceasar Red, 41, traysikel drayber, ang nagreklamo sa pulisya hinggil sa umano’y bawal na relasyon ng kanyang asawa at kanilang kapitan.

Nabatid na alas-8:30 ng gabi nang lusubin ng pulisya kasama ang biktimang si Ceasar ang Joyland resort sa Sitio Pawa,Brgy. Lajong, Bulan, Sorsogon matapos na humingi ng tulong sa pulisya ang mister hinggil sa aktibidad ng kanyang misis at ang nasabing barangay chairman.

“Actually itong lalaki (biktima) ay nahuhuli na niya yung asawa niya thru text, tatlong beses na. Ngayon, para mahuli niya, nagpanggap siya na magtatrabaho sa Manila pero actually andito lang siya sa Bulan at minamanmanan na yung asawa niya. And kagabi, nakita niya na sumakay sa tricycle yung dalawa, sinundan niya at dun niya na na nahuli na pumasok sa loob ng resort,” pahayag ni Colico.

Bigo naman ang mga pulis na mahuli sa aktong gumagawa ng kalaswaan ang mga suspek dahil tumagal ng halos 20 minuto bago nila mabuksan ang kuwarto kung saan nag-check in ang asawa niya at ang kanilang kapitan.

Sa kabila nito ay desidido pa rin ang biktima na kasuhan ang dalawa. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.