Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapit at Bitaw: Trahedya at Kalakasan

0 189

Marami ang inuupakan ang pananampalataya, Wala raw itong silbi.

Kaya raw marami ang mahirap dito dahil imbes na magtrabaho ay palaasa sa Diyos. Ngayong taon ng ika-500 anibersaryo ng pagdating ng Katolisismo sa Pilipinas, magandang pagmunihan kung ano nga ba ang nagagawa ng alinmang pananampalataya sa isang Pilipino.

Hindi perpekto ang buhay, tigib ito ng mga tagumpay at trahedya. Iba’t iba ang paraan ng tao upang mag-cope sa kabila ng lahat. Ayon kay Dr. Lars Ubaldo, kailangan niya ng kakapitan at bibitawan.

“Alam mo hindi ko akalain na magiging deboto ako ng Nazareno na ganito, ani Ate Malou Garalde nang maupo kami ni Dr. Ubaldo upang kapanayamin siya noong 31 Hulyo 2017.

Kung magkasakit si Malou noong tatlong taong gulang pa lamang ay parang mamamatay na ito kaya naman tulad ko rin noon, pinagsuot siya ng abito ng Nazareno ng kanyang lola na si Concepcion Rivera Matignas. Mula noon, tumigil ang malalalang sakit ng bata. Sinasamahan pa niya na lumakad paluhod ang lola niya sa simbahan ng Quiapo pero kanyang sinasabihan, “Bilisan niyo po at gusto ko na ng ng lugaw.” Sabay halakhak sa pagkuwento.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dumating ang pagsubok sa buhay ni Malou, nang minsan, habang nag-a-assemble ng sasakyan ang asawa niya ay umigkas ang kalso at nabagsakan ito. Duguan at nabaldado ang kabiyak. Tumungo sa ospital si Malou at nanalangin nang nanalangin. Ngunit habang nasa CR ng ospital, may nagpatay ng ilaw at tila nakita niya si Grim Ripper (Kamatayan) sa pintuan. Kinrusan niya ito ng tatlong beses at nawala. Babatuhin daw sana ng tsinelas kaso baka daw ibalik, humahalakhak na naman niyang kuwento.

Kaya naman namanata siya, naglakad ng paluhod ng siyam na Biyernes at matapos nito, ng siyam na unang mga Biyernes ng buwan, habang nagpapadasal din sa mga lola sa Quiapo. Nakita niyang unti-unting gumaling ang kanyang asawa. Kahit patuloy na naglalakad ng paluhod, ipinakita ni Malou sa amin ang kanyang tuhod na walang kagalos-galos!

Minsan, habang nasa Simbahan ng Quiapo, siya ay nanalangin, “Ama andami niyo na tulong ano po ang puwede ko sa simbahan niyo?” Tapos bigla niyang nakita ang nangongolekta. Sabi niya, “Huwag niyo po akong biruin.” True enough, nang mag-volunteer nga siya, ang una niyang assignment ay maging kolektor.

Pagdating ng panahon si Malou ang magiging Medical Committee Head ng Traslacion ng Hesus Nazareno ng Quiapo.

Noong 25 Hulyo 2016, isa muling trahedya ang dumating sa buhay ni Malou nang barilin ang kanyang nagbibisikletang anak na si Mark Vincent sa Quiapo matapos makipagsagutan sa isang drayber. Pumunta pa ako sa burol noon ng kanyang anak at sa kabila nito, sa aking pagtambay sa pista ng Quiapo, nakita ko na patuloy na ginagawa niya ng may saya sa puso ang kanyang tungkulin habang isinusuko (bitaw) ang lahat sa Panginoong Hesukristo.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.