Una sa Balita

Kapiling si Josie: Zanjoe magpapatayo ng paraiso sa Siargao

0 452

Gusto naming magpasalamat kay ­Zanjoe Marudo sa tiwala niyang ibahagi sa akin ang ilang detalye ng kanyang lovelife, sa model surfer na si Josie Predergast.

Sa nakaraang ­presscon para sa lalabas nilang serye nina Jodi Sta. ­Maria at Ian Veneracion sa iWant, na pinamagatang “My Single Lady”, hindi lang umamin kundi sinagot pa ng aktor ang mga tanong namin tungkol sa kanilang dalawa ni Josie.

Madalas ang pagbisita ni Zanjoe sa Siargao kung saan nakabase si Josie.

Ayon sa aktor ay isa ito sa mga bakasyon niya ­habang wala pa siyang regular na teleserye at kapag may panahon siya para makapagpahinga.

Sa tanong kung ano ang meron sa kanila ni Josie na para sa amin ay magandang relasyon lalo at nakapaligid sa kanila ang napakagandang lugar ng Siargao, sumagot ang aktor na “puro” at “tahimik” ang kanilang rela­syon.

Ibig sabihin ni ­Zanjoe ay pure ito at walang halong showbiz. At ang “tahimik” naman ay dahil hindi expose sa social media ang kanilang lovelife.

Pinag-iisipan ni Zanjoe ang pagbili ng property sa Siargao lalo at nadadalas na siyang pumunta roon.

Hindi nga raw masama ang magkaroon ng bahay sa nasabing isla para sa isang investment at longtime plan para sa kanyang personal na buhay.

Isang apartment o maliit na bahay ang nais ni Zanjoe kung sakali, at makapagpatayo rin ng negosyo lalo’t may mga kumukumbinse sa kanyang mag-invest doon.

Hindi ito ang unang pagkakataong umamin at nagkumpirma ang aktor tungkol sa kanila ni Josie. Sa amin unang umamin ang dalawa sa kanilang relasyon, na hindi pa naisusulat sa ibang pahayagan.

Enchong napagkamalang hayop sa Malysia

Pinagdududahan kung tao ba o ha­yop si Enchong Dee dahil sa bilis nito sa nakaraang “Sunlife Malaysia” run. Isa sa mga cele­brity endorser ng Sunlife sa Pilipinas si Enchong bukod kina Matteo Guidicelli at Piolo Pascual.

Si Enchong ang nag-represent ng Pilipinas sa nasabing fun run. Pinabilib ni Enchong ang kanyang mga supporter sa ibinalitang oras na natapos nito ang kanyang run.

Sa layong 12km, ­nagawang tapusin ito ni Enchong sa oras na 57:21 minutes o halos isang oras lamang. Sa photo na pinoste ng aktor, parang hindi ito napagod at parang galing lang sa isang work out.

Kunsabagay, swimmer naman talaga si Enchong at malakas ang stamina niya sa kahit anong sport.

Quinto tinalakan ang basher ng mga deboto ni Nazareno

Binanatan ni Angeline Quinto ang isang tweet na namimintas at ­kumuwestyon sa mga ginagawa ng mga deboto ng Jesus ­Nazareno. Hindi pinalampas ni ­Angeline na ­pagsabihan ang isang basher na ­kumukontra sa panata ng mga ­deboto sa nakaraang traslacion sa Quapo.

Isang fan ni Angeline ang nag-repost ng tweet ng isang may account name na Denzel Zapanta tungkol sa naging kaganapan sa traslacion.

@DenzelZapata, “Lagi nasa Quiapo ‘yang hinihimas niyo tapos kung kailan madami tao tsaka kayo makikipagbunuan para makahimas. Tapos kayo kayo rin naga-away-away. Nakapara­ming sugatan…nasaan ang…”

Ito nga ang ­naging sagot at banat ni ­Angeline sa pamumuna nito.

“Sa tingin din naman namin, mas hindi gusto ng Diyos ‘yang ginagawa mo.

Kung wala kang alam sa buhay ng namamanata sa Poong Nazareno, ‘wag ka ng magsalita ng kung ano-ano. At oo alam namin araw-araw ang Poon nasa Simbahan ng ­Quiapo, at isang beses lang sa isang taon ang kapistahan.”

Isa ngang deboto ng Nazareno si Angeline, at kabilang siya sa mga lumalakad na nakapaa sa pista ng Black Nazarene sa Quiapo. May isang tweet pa ito na nagkapasa-pasa ang katawan niya sa pakikipagsiksikan at dumugo pa ang kanyang ilong. Kuwento pa niya, nawalan pa ng bra ang kasama niyang babae.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More