Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapihan sa tuktok ng bundok

0 87

Nakaka-curious dahil ang daming naka paradang kotse, motor at pila lagi ang tao sa harap ng isang coffee shop/restaurant/bar sa loob ng malawak at pribadong Eastridge Executive Village sa Binangonan, Rizal.

Pero kamakailan lang ay natuklasan ko na ang mga dahilan kung bakit.

Taong 2019 nang magbukas ang Coffee Rush sa Eastwood, Quezon City pero agad na nagsara dahil sa pandemic. Hanggang sa magbukas uli nitong June 19, 2021 ang bagong Coffee Rush Eastridge na maliit na kiosk lang noon at nagsimulang dumugin ng mga tao.

Pagkatapos ng mahabang lockdown noong 2020, marami sa atin ang sobrang nasabik sa pasyal kaya naman kanya-kanyang tuklas noon ng mga magagandang lugar na hindi masyadong crowded.

At dito, unti-unting nakilala ang Rizal at naging instant na paboritong pasyalan ng marami dahil malapit sa Metro Manila at madaling puntahan.

Lagi na silang kasama sa mga ‘Places to go in Rizal’ kapag sinubukan mo na mag search sa Google lalo na kapag masarap na kape ang hanap mo.

As usual mahaba ang pila noong Sunday pag punta namin sa Coffee Rush Eastridge at dahil weekend, expected na ang dami ng tao.

Pumila din kami pagdating namin mga 5:00pm. Buti na lang at may natanungan akong waiter. May option naman pala kung ayaw mo na pumila dahil pwede kang kumain sa bar na may same menu ng restaurant pero may door charge na P50. Okay na din kaysa nakatayo ka sa pila nang matagal.

Marahil marami ang hindi alam na may option na ganito dahil OA talaga ang pila sa cashier hanggang sa labas para maka-order at makapasok.

Masarap ang food at maraming pagpipilian. May Pinoy dishes gaya ng all-day breakfast na beef tapa, longganisa, Bangus, may pasta at Japanese food din. Bestseller ang kanilang dark chocolate mini cakes, muffins at pastries. Sakto naman ang presyo, hindi mura at hindi rin mahal.

Pero dahil overlooking at mayroong majestic view kung saan tanaw dito ang Laguna Bay at Pilillia Windfarm, iba ang feel pag mainit na kape o malamig na beer ang inorder mo.

Para sa ₱135 na Atok Arabica coffee o flavored beer (₱120), solb ka na sa ganda ng view. But the point is, need talagang picturan dahil mapapa-wow ka sa beauty of nature ng Rizal province. Suwerte mo kapag may freebie na sea of clouds sa umaga o gabi.

Sarap na sana ng kuwentuhan, pero bandang 8:00PM nang magsimulang tumugtog ang banda.

Para sa akin, hindi swak sa lugar ang malakas na tugtugan sa gabi dahil nawawala yung serenity o chill vibe lalo’t nasa tuktok ka ng bundok at nakatitig sa ganda ng Metro Manila skyline.

Mas masarap sanang mag bonding kasama ng pamilya at kaibigan, isama mo na ang alagang pet kapag tahimik at relaxing. Pero siyempre, marami din ang trip ang tugtugan at maingay.

Tip ko lang sa mga feel mamasyal dito na pumunta ng maaga para iwas sa mahabang waiting time. Dagsa kasi ang maraming diners kapag hapon at gabi lalo na weekend dahil sa bonggang sunset na mapapanood dito.

Medyo challenging din ang pagpunta lalo na sa gabi dahil madilim ang lugar at wala halos mapagtanungan kapag naliligaw ka na. (Ha Ha).

Pawala-wala din ang signal ng Globe kaya hirap din mag-Waze lalo na’t may dalawang exit/entrance kaya nakakalito lalo na kapag gabi at umuulan pa.

Kukunin din ang ID bago makapasok at kailangang may mapakitang resibo pag labas na patunay na kumain ka sa coffee shop dahil kung hindi, need magbayad ng ₱300 para daw sa homeowner’s fee.

Kahit ang daming ganap at hanash, perfect evening ang anniversary date namin ni Daddy Alex sa Coffee Rush Eastridge. Kaya tara na, kopi na sa Rizal.

Leave A Reply

Your email address will not be published.