Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kape tayo

0 181

Ang kape ang isa sa pinaka paboritong inumin nating mga Pilipino. Mahaluan ng gatas, asukal, kung anumang paborito sa panlasa, o kung minsan ay puro (o tinatawag na black). Kadalasan gawa ito sa pag ihaw ng coffee beans. Dito sa atin, ang kapeng barako na nangagaling sa Batangas ay nakilala sa buong mundo dahil sa lasa at tapang nito. Isa naman sa pinakamahal ay ang kopi luwak. Ito ay gawa sa mga beans na nakain ng mga civet, na mala pusang hayop sa bansang Indonesia, at idinumi nila. Ang isang maliit na lata nito ay umaabot ng $80 o lagpas 4,000 piso. Iba’t iba din ang paraan na paghanda nito, mula sa pag brew, may drip, press, stove top perculate, siphon, o sa nagmamadali, may instant o 3 in 1.

Ang pangunahing sangkap ng kape ay caffeine. Madaming benepisyo ang caffeine. Isa na dito ang pagiging alerto, paggising ng ating diwa, at pag-ganda ng performance. Maliban sa caffeine, madami din laman na antioxidants at mga pambawas ng pamamaga o anti-inflammatories ang kape. Nakakabuti din ito sa mga kundisyon sa puso, utak, nakakababa ng posibilidad magkakanser at pampahaba ng buhay. Mainam din ito makapayat.

Mayroong parte ng gene sa ating katawan, ang CYP1A2 na may kinalaman sa pagmetabolismo ng kape. Kung gumagana ito, makakabuti ng husto sa katawan ang kape. Ngunit kung hindi masyadong gumagana, magiging mabagal ang pagmetabolismo ng ating katawan sa kape at maaaring maramdaman ang mga masamang epekto nito. Kabilang dito ang pananakit ng tyan, panghihilo, pagsusuka, panginginig, pangangamba, kumakabog ang dibdib at insomnia. Sa mga kababaihan, ang CYP1A2 na ito ay hindi lang may kinalaman sa kape, kundi sa hormones din. Kaya kung sumobra sa paginom ng kape, tataas ang lebel ng cortisol, nagkakaroon ng pamamaga sa ugat, maapektuhan ang puso, tataas ang posibilidad atakihin at baka ikamatay pa ito. Ang diagnosis ay tinatawag na caffeine induced cardiac arrhythmia.

Hindi naman agad agad mangyayari ang mga ito kung hinay hinay din lang ang inom ng kape. 1-2 cups a day ay ayos na. Huwag pitsel pitsel ang inom. Pati ang oras ng pag inom ay mainam sa umaga pagumpisa ng araw at hindi kung matutulog na. Kung may mga mararamdaman na sintomas ay bawasan o itigil ang inom muna nito.

Ganun pa man, mag enjoy tayo sa paginom ng isang tasa ng kape at ang mas maganda pa ay kung may kasama tayo sa pag inom nito.

Hanggang sa susunod ! Keep healthy! Stay safe! Get Vaccinated and boostered!

J. RYLAN G. FLORES, MD ay isang orthopaedic surgeon, nutrigenomics practitioner at DNA profiler, fellow ng International College of Surgeons at Philippine Academy of Medical Specialists.  Siya ay matatagpuan sa De los Santos Medical Center. Speaker sa iba’t ibang talakayan (medical man at iba pa, dito at internasyonal). Isang personalidad sa pelikula, telebisyon, radio (mapapakinggan sa Kalusugan Kakabilib sa DWIZ882 tuwing lingo 11am-12nn) at Doc Rylan Facebook Live tuwing sabado 7pm. Sundan sa twitter@rylanflores, gamitin ang hashtag na #docquestion at Facebook sa Doc Rylan para sa mga komentaryo at katanungan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.