Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Kape-kape rin minsan’ Mga fan ni James Reid nairita kay Spox Roque

0 90

Hindi nagustuhan ng mga fan ni James Reid ang inilabas sa Facebook page ni Spox Harry Roque na ikinumpara niya ang sariling mukha sa aktor-singer.

Sa Facebook nga ni Spox Roque ay mababasa mo ang mga linyahan na…

Me: “Magkano tong piture na ni James Reid, Miss?”

Saleslady: “Salamin po `yan Sir…”

#KalmaAkoLangTo.

Well, obyus naman na pang-alis bagot, o pantanggal stress ang post na `yon ni Spox Roque, na gusto lang niyang magpatawa talaga, dahil na rin sa tensiyon, stress na nararanasan ng mga tao ngayon.

Pero, `yun na nga, hindi natuwa ang mga tagahanga ni James. Heto nga ang mga nakakalokang chika nila:

“Kape-kape din minsan para kabahan.”

“Omg kinilabutan ako!”

“Germs Reid yarn!”

Well, may ibang netizen na nagmura mismo sa post na `yon ni Mr. Roque sa FB page niya.

Pero, marami rin naman ang idinaan na lang sa tawa ang lahat, na sabi nga, kalma post `yon, kaya hindi dapat seryosohin.

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.