Una sa Balita

Kapayapaan may kaakibat na kabutihan, integridad – VP Leni

By
0 391

NANGUNA si Vice President Ma. Leonora ‘Leni’ Robredo sa wreath-laying ceremony sa paggunita ng ika-122 anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal sa Rizal Park (Luneta), Maynila.

Sa kabila ng pag-ulan, daan-daang tao ang nakiisa sa okasyon para saksihan ang pag-aalay ng bulaklak sa Pambansang Bayani.

Napunit pa nang bahagya ang watawat ng Pilipinas habang itinataas ito nang awitin ang ­“Lupang Hinirang” pero kaagad rin itong pinalitan.

Hindi naman nagsalita si Robredo pero naglabas ito ng isang kalatas na nagpapaalala sa mga Filipino na nagpapaalala na ang tunay na kapayapaan ay laging may kaakibat na kabutihan at integridad.

“In these times when ruthless practicality is foisted on us as virtue, and when respect for individual dignity is maligned as weakness, Rizal stands as a reminder that true freedom always goes hand in hand with kindness and integrity,” bahagi ng kalatas.

Sinabi pa ni Robredo na ang pagbabago ay dapat na magmula mismo sa ating mga sarili.

Magugunitang si Rizal ay isinailalim sa firing squad sa Luneta noong Disyembre 30, 1896 dahil sa pagsulat ng mga artikulo at mga literatura laban sa mga Espanyol.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy