Una sa Balita

Kapatid ni Ruby Rodriguez pumanaw na

0 642

Pumanaw na ang kapatid ni Eat Bulaga host Ruby Rodriguez na si Dr. Sally Gatchalian matapos na makipaglaban sa Coronavirus disease 2019(COVID19).

Ayon kay Dr. Rustico Jimenez, Presidente ng Private Hospital Association of the Philippines, alas 3 ng madaling araw ng nasawi si Gatchalian na Asst director ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) matapos ang intubation.

Ayon kay Jimenez si Gatchalian ang ika 9 na doktor na nasawi dahil sa COVID19 at kinukumpirma pa niya ang pang sampu.

Samantala,sinabi ni Jimenez na marami nang private hospitals ang kulang na sa mga tauhan.

Nabatid na bago pumanaw ay nakapag paalam pa sa post si Gatchalian na Presidente ng Philippine Pediatrician Society (PPS) na nagsabing “Its now time to say goodbye.”

Sa pinost na mensahe ni Rodrique: “I love you so much, my big sister. Smile. Say hi to Mom, Dad and Manong Robert. Be at peace, do not worry about us anymore. Have fun in heaven! Love you so much!!!” .(Juliet de Loza-Cudia)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More