Una sa Balita

Kapangalan ng aktor, 2 pa huli sa drug bust

0 217

KALABOSO ang isang lalaki na kapangalan ng beteranong aktor na si ‘Michael de Mesa’ kasama ang babaeng senior citizen at bagets sa ikinasang buy-bust operation ng mga pulis sa Navotas City kahapon.

Si Michael De Mesa, 41, may-asawa, driver, naninirahan sa Block 28, Lot 48, Phase 2, Area 1, Brgy. NBBS ng nasabing lungsod ay kinasuhan ng Sec. 5 and Sec 11 of Violation of RA 9165, pati ang kasamang si Pascuala Paraiso , 60.
Nasa custodial facility naman ng Department Social Welfare Development (DSWD) ang 13-anyos­ na binatilyo na itinago sa pangalang Mark na kasama ng mga suspek habang nagbebentahan ng iligal na droga.

Sa imbestigasyon ng Navotas Police, alas-2:30 nang madaling araw, nagsagawa ng buy-bust sina P/Cpl. Mc Edson Macaballug ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lugar ni Michael. Nagkunwaring poseur buyer si Patrolman Henry Quinagon at umiskor ng P300 halaga ng shabu.

Makaraang iabot ng tulak ang isang plastic sachet ng iligal na droga sa katransaksiyon ay sumenyas na ang huli kaya naman dinamba na ito ni Corporal Macaballug at pinosasan saka dinala sa presinto. (Orlan Linde)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy