Una sa Balita

Kapamilya young star ninakawan sa dressing room ng It’s Showtime

By
0 3,707

Nawalan ng iPhone sa dressing room ng ABS-CBN ang isa sa kanilang most promising young stars nang mag-guest ito kamakailan sa It’s Showtime. Isang kakilala ni bagets ang nagkuwento sa akin ng tungkol sa pagkakanakaw ng kanyang iPhone.

Pero hindi naman daw nataranta si young actress dahil naka-two-factor authentication ang kanyang cellphone, kaya mahihirapan ang nagnakaw na mabuksan at magamit ito.

Hinayang na hinayang nga lang si young actress dahil mahal nga naman ang iPhone na nanakaw sa kanya, huh!

‘Yung numbers, messages, pictures at iba pang naka-save sa cellphone na ‘yon ay na-recover naman niya nang mag-log-in siya sa kanyang account sa kanyang new iPhone.

So, ‘yung pictures ni young actress with her former ka-loveteam (na nasa ibang bansa na ngayon dahil kasama na sa isang boy group doon) na iniingat-ingatan niya sa cellphone na ‘yon ay save na save naman and for sure naka-save na rin sa bago niyang iPhone, huh!

So, after Kim Chui, ang nasabing young actress ang nabiktima ng magnanakaw na ‘yon (iisa lang kaya?) dahil kung matatandaan, nanakawan din ng mamahaling came­ra sa dressing room din ang rumored-girlfriend ni Xian Lim.

Actually, hindi lang naman stars ang nagkaroon na ng ganoon experience. Ang isang staff pala ng ASAP, nanakawan din ng bag habang nagsu-show sila.

Eh, nasa may production area lang daw ang bag at nakita sa CCTV na isang hindi kilalang lalaki ang dumampot noon habang busy ang lahat dahil live nga ang show.

Sinundan daw sa CCTV ang naging kilos ng lalaking nagnakaw ng bag at nakitang luma­bas ng ABS-CBN compound at sumakay ng taxi.

Na-recover naman daw ang ninakaw na bag dahil itinapon ‘yon ng lalaking magnanakaw sa isang kilalang mall sa may Makati City at dahil may identification cards doon ay kinontak daw ng security personnel sa lugar na ‘yon ang mga taga-Kapamilya network para maibalik ang nasabing bag.

Natawa ang staff na ninakawan dahil mali raw ang lala­king magnanakaw dahil walang lamang valuables ang kanyang bag.

So, nalugi pa ang lalaking magnanakaw sa taxi fair papuntang Makati City, huh!

Ang mga ganoong pangyayari ang dahilan kung bakit sob­rang higpit ang mga security personnel ng Kapamilya network sa pagpapasok ng mga tao sa kanilang compound.