Una sa Balita

Kapamilya Thank You, 1M na!

0 5

Ang bongga lang, dahil isang milyon na agad-agad ang miyembro ng Kapamilya, Thank You, to think na kalulunsad lang nila, ha!

Ang ABS-CBN ang unang local TV network na naglunsad ng loyalty program para sa mga taong tumatangkilik sa kanilang mga programa at iba’t ibang produkto.

Ayon kay ABS-CBN head of customer relationship management na si Richmond “Ezer” Escolar, layunin ng “Kapamil­ya, Thank You” na kilala­nin at maintindihan ng personal ang mga Kapa­milya bukod sa pagbibigay ng pasasalamat para sa kanilang suporta sa mga produkto at serbisyo ng Kapamilya network.

“Ito ang aming paraan para pagsikapan na mas makilala ng personal ang ating mga Kapamilya at para pasalamatan din sila sa kanilang suporta sa ABS-CBN sa loob ng maraming taon,” ani Ezer.

Ilan sa rewards na pwedeng matanggap ng mga Kapamilya ang meet and greet with a Kapamilya star, tickets sa ABS-CBN Studio Tours at shows tulad ng “ASAP” at “It’s Showtime,” freebies mula sa ABS-CBN Store, free access sa KBO ng ABS-CBN TVplus at SKY Pay-Per-View, access sa iWant TV exclusive content, at free SMS, data, o calls gamit ang ABS-CBNmobile.

Dagdag pa ni Ezer, marami na ring nakuhang gifts ang members ng loyalty program tulad ng KBO movie marathons at iWant TV all-access pins sa loob ng maikling panahon.

May mga members din na piniling i-donate ang kanilang naipon na points sa ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation.

Pwedeng maging member ng “Kapamilya, Thank You” sa pamamagitan ng free online registration sa thankyou.abs-cbn.com.

Gumawa lamang ng Kapamilya Name at i-enroll ang ABS-CBN at SKY Cable na mga produkto at serbisyo na gamit mo.

Kung mayroon ka namang account sa kahit anong ABS-CBN website tulad ng iWant TV, pwedeng gamitin ang registered Kapamilya account para mag-sign up sa “Kapamilya, Thank You” na bahagi ng single sign-on initiative ng ABS-CBN na isang first of its kind na system sa bansa.