Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapamilya stars nganga kay MVP

0 3,909

Pinipilahan ng mga bigating talent ng ABS-CBN ang TV5 para sa trabaho matapos tanggalin sa ere ang kanilang network noong May 5.

Ayon sa online news site na bilyonaryo.com.ph rumerekta pa ang ilang top talents ng ABS-CBN kay Manny V. Pangilinan na nagtatago naman sa kanila.

Sa ulat ng bilyonaryo.com.ph, ang mga dumidiretso kay Pangilinan ay humihingi ng mga nakalululang talent fee kaya iwas ang bilyonaryo na mistulang natuto na simula nang namirata ng mga talent ng ibang network noong 2011.

Nabatid na pinaubaya na lamang ni Pangilinan kay Robert Galang, ang bagong presidente ng Mediaquest Holdings ang pakikipag-usap sa mga talents pati na ang negosasyon ng kanilang mga magiging sweldo.

Misutulang nadala si Pangilinan sa pamimirata ng mga talent ng ABS-CBN dahil sa malalaking sweldong hinihingi ng mga ito. Kabilang sa mga nakakalulang TF ay ang 5-year contract ni megastar Sharon Cuneta na nagkakahalaga diumano ng P1 bilyon na bumalik kalaunan sa ABS-CBN.

Ang TV5 ni Pangilinan ngayon ang pangalawang pinakamalaking network sa bansa. Pinakamalaki ang GMA 7 nang tinanggal sa ere ang ABS-CBN. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.