Una sa Balita

Kapamilya star panggulo sa Bianca-Miguel relasyon

By
0 28

Pagkatapos ng limang taon, nagbabalik si Marvin Agustin sa GMA-7 at kasama siya sa aabangan na tele­serye na Santa-Santita. Bida rito ang BiGuel loveteam nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix.

Sa naganap na story conference noong October 30, ang iba pang kasama sa tele­serye ay sina Carmina Villarroel, Gloria Romero, Christopher de Leon, Jean Garcia, Alfred Vargas at Jeric Gonzales.

Kasama rin ang former Kapamilya child actress na si Kyline Alcantara na unang lumabas sa pinagbidahan noon ni Andrea Brillantes na ­Annaliza sa ABS-CBN 2.

Ngayon, siya ang ka-love triangle ng BiGuel loveteam. Happy si Marvin sa muling pagiging Kapuso niya.

“Maganda ‘yung project, exciting ‘yung role. Something na masarap gawin,” sabi niya.

2005 noong unang pumasok sa GMA-7 si Marvin via I Luv New York na nag-reunite sa kanila ulit ng ka-loveteam niyang si Jolina Magdangal. Huling teleserye niya bago siya lumipat sa TV5 noong 2012 ay Iglot.

Sa TV5 ay naging host si Marvin ng Artista Academy at gumawa ng teleseryeng Obsession.

Noong 2014, bumalik si Marvin sa ABS-CBN at ginawa ang mga teleseryes Flordeliza at My Super D.