Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapamilya star idinaan sa dasal ang galit sa NTC

0 559

Ilan sa mga celebrity ang nagposte ng mga religious quotes at mga Bible verses kaugnay sa pagpapasara ng NTC sa Sky Cable, TVPlus.

Ang mga Bible quotes at religious messages para sa mga Kapamilya star ang siyang kinapitan nila para hilingin sa Diyos na huwag tuluyang magsara ang kanilang network. Idinaan nga nila sa dasal ang sama ng loob nila sa NTC dahil sa ginawa nito sa kanilang istasyon.

Ang direktor naman na si Jojo Saguin ay ang pagrorosaryo ang inaatupag. Itinuturing ni Jojo na “calming pill” niya ang pagrorosaryo.

Kaye, Paul Jake nangangailangan ng plasma

Dahil sa lumalaking bilang ng mga infected ng COVID-19, nanawagan na ang mag-asawang Kaye Abad at Paul Jake Castillo sa mga kapwa nila Pilipino para tumulong sa mga taga-Cebu.

Nanawagan nga ang mag-asawa sa kani-kanilang Instagram na mag-donate ng plasma blood. Sa Cebu nakatira ang mag-asawa.

Kailangan nila ng mga COVID-19 survivor dahil sa plasma para mapagaling ang kanilang mga kababayan.

Tatay ni Ice nag-concert sa ospital

Sa halip na mag-alala sa kalagayan ng kanyang amang naka-confine ngayon sa ospital, naaliw pa si Ice Seguerra sa sitwasyon nito.

Nagposte si Ice sa Instagram na nasa hospital siya kasama ang ama.

Tawa nang tawa si Ice sa video nang ipakita niya ang tatay na nakahiga sa kama at may hawak ng microphone. Maririnig na bumabanat ng kanta ang tatay ni Ice, hawak ang cellphone nito at nakahiga sa kama.

Sa sumunod na post ni Ice, nagbiro itong natatakot daw siya para sa tatay niya dahil baka ito masaksak, dahil ang kinakanta raw kasi nito ay “My Way”. Naaliw nga ang mga follower ni Ice sa post niya.

Hindi na binanggit ni Ice kung ano ang karamdaman ng ama.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.