Una sa Balita

Kapamilya show wagi ng ginto sa New York Festivals

0 207

abante-paistaran-dondon-serminoTuloy ang pag-ani ng pagkilala ng ABS-CBN mula sa ibang bansa matapos manalo ng Gold World Medal at Bronze World Medal sa prestihiyosong 2019 New York Festivals “World’s Best TV and Films” competition, na ginanap noong Abril 9 sa Las Vegas, Nevada sa Amerika.

Nanguna sa mga nanalo mula sa Kapamilya network ang Mother’s Day TV spot para sa ABS-CBN News na pinamagatang “Elsa and Sarah,” na nagwagi ng gintong medalya sa kategoryang Station/Image Promotion. Ipinasilip dito ang kuwento nina Elsa Badilla, isang inang nabubulag na, at ang anak niyang si Sarah, na mayroon namang down syndrome, na nagsisilbing mata at lakas ng isa’t isa sa buhay. Unang itinampok ang kanilang kuwento sa programang “Mission Possible.”

Gawa ang “Elsa at Sarah” plug ng ABS-CBN Creative Communications Management division sa pangunguna nina Robert Labayen, Patrick De Leon at Faith Zambrano-Pascual. Konsepto ito at sulat ni Lawrence Arvin Sibug sa direksyon ni Lorenz Roi Morales. Noong 2018, nanalo naman ang CCM ng Silver World Medal sa NYF para sa kanilang “To Love and To Serve” campaign.

Muli ring nagtagum­pay sa NYF ang documentary series na “Local Legends,” na kuminang sa kategoryang Biography/Profiles para sa episode nitong “Karne Norte” tungkol sa mga gumagawa ng tradisyunal na corned beef sa Masbate. Isang produksyon ng ABS-CBN DocuCentral, layunin ng programa ang ibida ang kultura at tradis­yong Pilipino. Noong nakaraang taon, nag-uwi ito ng Silver World Medal sa Cine­matography division para sa episode na “Bandurria.”

Samantala, nagpakilala rin sa mundo ang ABS-CBN current affairs program na “Mission Possible” na nakatanggap naman ng finalist certificate sa Best Public Affairs Program category para sa episode na “Kapit Lang Anak.” Kasama ang anchor na si Julius Babao, mapapanood sa episode na ito ang pinagdadaanan araw-araw ng mag-inang Elsa at Sarah, at ang kanilang katatagan sa kabila ng kanilang mga karamdaman. Napapanood tuwing Sabado ng 6 am ang “Mission Possible” sa ABS-CBN.

Kinikilala ng New York Festival’s World’s Best TV & Films competition ang mga programa at palabas mula sa higit 50 na bansa na ipinapakita ang mga pangyayari sa mundo at nagsisilbing inspirasyon sa susunod na heneras­yon.

Binubuo ng 186 na propesyonal mula sa buong mundo ang jury board ng NY Festivals na siyang tumitingin sa mga entry. Kabilang dito ang ABS-CBN Integrated News and Current Affairs head na si Ging Reyes, na nasa advisory board rin ng NY Festivals, at ang ABS-CBN CCM head na si Robert Labayen.

Lanete nanguna sa SWS survey sa Masbate

Si Masbate Representative Scott Davies Lanete ang top choice na maging susunod na Governor ng kanilang probinsya, base na rin sa resulta ng survey na conducted ng Social Weather Station (SWS).

Ayon sa survey, Lanete garnered the 58 percent of the total 900 respondents kumpara sa 31 percent na nakuha ng kasalukuyang nakaupo na si Governor Antonio Kho.

Isinagawa ang naturang survey bago pa man opisyal na magsimula ang campaign period, kaya tila gusto na ng mga Masbateño ng bagong pamumuno.

Kasama sa isinagawang survey ang ilang lokal na kandidato ng probinsya kasama na ang tatakbo para sa bise gobernador at sa 3 congressional district.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy