Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapamilya pinuri ng Kapuso reporter

0 243

Nakakatuwang pagmasdan, basahin ang pagdadamayan ng mga Kapamilya at Kapuso news team.

Una na nga riyan ang pagpapasalamat ng Kapuso reporter na pinahiram siya ng ‘ilaw’ ng Kapamilya news team.

At heto naman ngayon, ang pagpuri ng dating Kapamilya na ngayon ay Kapuso na si Atom Araullo, sa viral report ni Chiara Zambrano kung saan biglang hinabol sila ng armadong barko ng China habang naglalayag sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa West Philippine Sea noong Abril 8.

Para kay Atom, naging daan daw ang balita ni Chiara para mamulat ang lahat sa sitwasyon sa West Philippine Sea.

“Kudos to the ABS-CBN News team led by Chiara Zambrano for gathering video evidence of the dire situation in the West Philippine Sea,” sabi ni Atom.

Humanga rin ang mga netizen sa Twitter sa ulat na `yon ng ABS-CBN News.

Sabi ni Twitter user Zar Castro, “may tapang” ang ABS-CBN News team kahit pilay ang operasyon dahil wala itong prangkisa.

“Sila na ang ‘di nabigyan ng prangkisa, pero dama mong mas naninindigan pa rin silang ihayag ang tunay na kalagayan ng mga mangingisda sa West PH sea.”

Pinuri rin ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang pag-uulat ni Chiara.

“We commend them [Chiara Zambrano and team] for going the extra nautical miles to try to get a better perspective on the situation in the West Philippine Sea,” sabi ng NUJP sa isang pahayag.

Samantala, iginiit ni Chiara sa kanyang Twitter na never naputol ang komunikasyon ng ABS-CBN News team sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa ginawang ulat.

“The news team was in communication with the leadership of the Armed Forces of the Philippines before, during, and after the journey,” simpleng lahad ni Chiara.

Lagpas 800K view na sa YouTube ang report ni Chiara at umani ito ng suporta mula sa mga netizen. Nagpasalamat ang isang YouTube user na si Emille Duque kay Chiara at ABS-CBN sa “pagsisiwalat” sa mga ganap sa West Philippine Sea. Matapang naman ang ginawa ng Kapamilya news team para lang balitaan ang madlang pipol, ani Laurence Lopez.

Pinahalagahan naman ni Jennifer Gayares ang pagganap ni Chiara sa kanyang tungkulin bilang journalist sa gitna ng tensyon at delikadong panahon dahil sa pandemya.

“Salute to Ms. Chiara Zambrano and her crew sa tapang na pagsubaybay sa isyung WPS. Kaya ka nga nananalo ng awards sa coverage sa Marawi siege,” komento ng YouTube user.

Leave A Reply

Your email address will not be published.