Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapamilya, Kapuso sama-sama sa TV5 serye

0 424

Alam mo, Dondon, pareho palang nasa TV5 na ang mag-inang Maricel Laxa at Donnie Pangilinan. Pero hindi naman daw package deal ang mag-ina sa Kapatid network, huh!

Si Donnie kasi, nasa “Sunday Noontime Live (SNL)” na ang producer ay ang Brighlight Productions ng mega blocktimer ng TV5, ang former politician na si Albee Benitez.

Si Maricel naman, under The IdeaFirst Company dahil siya ang bida sa Christmas-serye na “Paano Ang Pasko” na tatakbo raw ng six weeks.

Actually, hindi si Maricel ang first choice sa project na ‘yon, pero ang importante, sa kanya napunta ‘yon, huh!

Naka-lock-in nga raw sila ngayon sa Laguna para sa taping ng “Paano Ang Pasko”.

Sabi ng producer at isa sa magdidirek na si Direk Perci Intalan, “Unang sabak ni Maricel Laxa sa teleserye in a long time o ever yata! Sana ‘yung success ng movie comeback niya na ‘Hello, Love, Goodbye’ ma-replicate sa TV comeback niya!”

Marami raw ang kasama sa cast ng “Paano Ang Pasko” na naka-lock-in sa Laguna, pero sabi ni Direk Perci, “Buti na lang mababait at very cooperative silang lahat, kaya wala kaming problema sa health and safety protocols na kailangang ipatupad sa set.”

Si Beauty Gonzalez nga na may “I Got You” under Brightlight Productions, kasama rin pala sa “Paano Ang Pasko”, so mukhang matatagalan bago siya bumalik sa ABS-CBN kahit may tsikang lumabas na hindi naman niya tuluyang iniwan ang Kapamilya network.

Si Ejay Falcon na isang Kapamilya star ay kasali rin sa nasabing Christmas-serye, at comeback din ito ni Julia Clarete na from ABS-CBN ay matagal na namayagpag sa “Eat Bulaga” bilang co-host.

Ang iba pang kasama sa cast nila ay sina Devon Seron (na from ABS-CBN ay lumipat sa GMA 7 at ngayon nasa TV5 naman), Matt Evans, Ricky Davao (na co-director rin ng “Paano Ang Pasko”), John Lapus, Danita Paner, Alan Paule.

Ay, teka! Bago ko makalimutan, bida rin sa “Paano Ang Pasko” ang “Gameboys” star na si Elijah Canlas.

Kung may “Stay-In Love” ang ka-“love team” niyang si Kokoy de Santos with Maris Racal, may “Paano Ang Pasko” naman si Elijah at nauna pa nga siyang mag-lock-in taping dahil now pa lang mag-start ang lock-in taping ni Kokoy for his TV5 romantic-comedy series.

Kuwento pa ni Direk Perci, “Six weeks lang ang Christmas-serye namin, pero ang dugo pa rin gawin. Nade-delay kami dahil sa ulan.

“Kaya nga pala ‘Paano Ang Pasko’ ang title namin dahil ‘di ba, ang tanong ngayon ng bayan dahil sa COVID-19 pandemic – paano ang Pasko? Kaya ‘yun ang naisip naming title,” kuwento pa ni Direk Perci.

Nilinaw ni Direk Perci na isa rin sa magdidirek si Direk Joel Lamangan kahit may “Anak ng Macho Dancer” project ang batikang direktor.

Kasama rin sina Direk Ricky Davao (so actor/director siya sa nasabing project) at Direk Eric Quizon.

Adrianna So live sa ‘Abante’

Noong Saturday night ay kinumusta ko si Assunta de Rossi at ang anak niyang si Baby Fiore na nasa Cardinal Santos Medical Center pa sa San Juan. Hindi nga raw matutuloy ang labas nila ng hospital kahapon.

“Baka Monday pa (today),” update ni Assunta.

Ok naman daw sila ni Baby Fiore at masaya si Assunta na napakaraming nagko-congratulate sa kanila ng mister niyang si Jules Ledesma sa pagdating ni Baby Fiore.

Dapat nga pala ay live kong iinterbyuhin today via Streamyard para sa “Anything Goes” show ko for Abante News Online Facebook page, pero dahil ngayon pa nga lang sila lalabas ng hospital, imo-move ko na lang ‘yon for Wednesday, 2:00PM.

So, for this afternoon, si Adrianna So o mas nakilalang Pearl sa BL (boys love) series na “Gameboys” ang makakatsikahan ko.

Marami kasi ang naaliw sa role ni Adrianna sa “Gameboys”, kaya siya naman ang binigyan ng chance ng The IdeaFirst Company na magbida sa series na “Pearl Next Door” sa kanilang YouTube channel.

Sobrang tagumpay ng “Gameboys”, kaya sasagutin ni Adrianna kung mnape-pressure ba siya with her own YouTube series napinagbibidahan.

So, abangan ‘yan mamayang 2:00PM sa Abante News Online Facebook page!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.