Una sa Balita

Kapamilya, Kapuso sama-sama sa concert ni Ogie

By
0 271

Sa August 24 na magaganap sa Araneta Coliseum ang star-studded 30th anniversary concert niya na OA, pero hindi pa rin mapipirmi si Ogie Alcasid sa Pilipinas dahil aalis siya sa Thursday papuntang New Jersey, USA.

Sa text message sa akin ni Ogie kahapon, sinabi niyang, “I’m leaving­ August 9 for New Jersey. Filipino fiesta sa Seacausus. Alis ako ng New Jersey ng August 13 at 9:00am ang dating namin ng Pilipinas on August 15.”

After raw ng US show niya ay saka siya sasalang sa rehearsal ng kanyang anniversary concert kung saan ay guest niya ang misis na si Regine Velasquez-Alcasid at napakarami pang mga kaibigan sa industry katulad­ nina Michael V., Vice Ganda at iba pa. Sama-sama nga ang Kapuso at Kapamilya sa concert ni Ogie.

Abante Hiring – IT dep

Sa rami ng guest ni Ogie sa OA, malamang na abutin ng more than three hours ang kanyang anniversary concert, huh!

Anyway, sa sobrang busy ni Ogie, pagdating na pagdating niya sa August 15 ay sasalang na kaagad siya para sa press conference ng OA.

“Okey lang, sana naman ako,” sabi pa ng singer/songwriter.