Una sa Balita

Kapamilya, Kapuso nagsama-sama para kay Elise

0 830

abante-talbog-joe-barramedaRespeto talaga ang important atsaka kailangan ma­ging mabait ka sa lahat ng tao and nakatulong din na bata pa lang ako nakikita ko na kayo, so kumportable na talaga ako sa inyo,” ang sagot ni Janine Gutierrez sa kung ano ang itinuro sa kanya ng mga magulang niya pagdating sa pakikiharap sa mga kasamahan sa showbiz, lalo na sa members ng media.

Napupuri kasi kay Janine ang magandang ugali nito pagdating sa pakikisama sa mga tao sa paligid niya. Bukod dito, napupuri rin sa panganay na anak ng estranged couple na sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher (o Monching) ang pagiging spoiler o gene­rous nito sa kanyang tatlong nakababatang kapatid na sina Jessica, Diego at Maxine Gutierrez.

Bilang panganay at may magandang trabaho ay ugali na ni Janine na ilibre ng trips abroad at mga material thing ang kanyang mga kapatid.

“Yun talaga ‘yung role ko e, bilang ate, na talagang make sure na okay sila, happy ako na napapasyal ko na sila ngayon.”

Kasalukuyang pinapalabas ang “Elise” isang movie ng Regal Entertainment kasama si Enchong Dee. Full packed ang sinehan nu’ng premiere night nito sa Gateway Cineplex sa Araneta Center. Well applauded ang movie after screening na dinaluhan ng maraming Kapuso at ilang Kapamilya star.

Kylie nag-taping kahit duguan

Napanood namin ang pilot episode ng “TODA One I Love” at mukhang okay naman at maraming action at comedy scenes. Lalo na nu’ng pangalawang episode na nagpakilig sa mga KyRu fans na buhay na buhay at laging trending sa twitter.

Puring-puri rin ni Robin Padilla ang anak niya na kahit nasapak sa taping, na hindi sinasadya si­yempre, na kahit nagdugo ang bibig nito, nagtuloy-tuloy lang sa taping. Ang bongga nga ni Kylie, na walang atrasan sa upakan!

Kyline, Jeric magdamag na binantayan ng mga fan

Sa taping ng “Daig Kayo Ng Lola Ko” kung saan tampok sina Jeric Gonzales at Kyline Alcantara ay dinumog ito ng mga KyRic fans. Hindi ko lang alam kung paano nila natunton ang location. Hanggang gabi ay marami pa ring nakabantay na mga KyRic fans at hindi nila iniwanan ang dalawa hanggang ma-pack up.

Kaya ‘yang nakakasira sa tambalan ay manahimik muna at ‘wag sirain ang momentum ng dalawa. Hala kayo baka ma-bash kayo at iba na ang mga fan ngayon. Puro palaban. Hahaha.