Una sa Balita

Kapamilya isasalba: Angel gusto nang mag-Darna

0 435

Ribbon na pinagsama-samang kulay na pula, berde, asul, at malaking tore ng ABS-CBN na medyo madilim ang epek ang pinost ng mga malalaking Kapa­milya star na sina Angel Locsin, Coco Martin.

Si Coco ay walang nilagay na caption, dala marahil sa isinampa na gag order.

Samantalang idinaan naman ni Angel sa biro ang caption niya.

“Ding! Ang bato!” na siyang binibigkas nga niya kapag gusto na niyang maging Darna mula sa pagiging Narda.

So, sabi tuloy ng mga netizen, gusto na bang ilabas ni Angel ang pagka-Darna niya para patumbahin ang mga kalaban?

Pero sa dulo, dinugtungan nga niya ito ng pa-hashtag na #chos, #JustLove, #NoHate.

Nakakaaliw lang ang reaksiyon ng mga fan ni Angel. May mga nagsasabi na nasa GMA raw si Ding. At may nagsasabing baka hindi niya malunok ang bato dahil kampi raw si Bato (Sen. Bato dela Rosa) kay President Duterte.

Well… (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More