Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapamilya Channel mawawala na rin?

0 4,958

Ngayon pa lang ay naaalarma na ang mga Kapamilya. Nanganganib din daw kasi na hindi na rin mapanood ng mga cable subscriber ang Kapamilya shows sa Kapamilya channel kung matuloy ang kagustuhan ni Rep. Rodante Marcoleta na ipatigil ang SKYcable.

Muling nabuhay ang usapin nang kumalat sa social media ang Zoom conference ng ilang mambabatas, kabilang si Rep. Marcoleta, nitong mga araw.

Tiyak na maraming Pilipino ang malulungkot at magagalit dahil sa cable at satellite TV na lang nila napapanood ang paborito nilang Kapamilya programs at stars.

Kung sakaling mapasara ang SKYcable dahil hihingan na rin ng prangkisa ang cable TV operators, tingin ng Philippine Cable and Telecommunications Associations (PCTA) president na si Joel Dabao na damay din ang higit 300 daang miyembro ng PCTA at maging ang nasa 1,000 cable operators sa buong bansa.

“Pag may nangyari sa SKYcable malamang mangyayari na rin sa aming lahat. At yung kawawang subscriber namin na kinabitan namin ng internet na wala ng ibang choice kundi sa amin at kung walang mapapanood na channel kundi galing sa amin ay mawawalan ng balita at edukasyon sa panahon ngayon na napaka-kailangan po,” saad ng presidente ng PCTA.

Una nang sinabi ng NTC na nag-ooperate ang cable TV sa bisa ng Executive Order 205 na nilagdaan ng dating pangulong Cory Aquino. Ito ang nasabing batas na gusto tanggalin ni Rep. Marcoleta dahil ayon dito marami na itong inconsistencies.

Depensa ni Dabao, imbes na prangkisa, may kaukulan silang permit kada lugar at regular na rine-regulate ng NTC.

Paano na ang mga manonood kung biglang walang cable TV paggising nila isang araw?

Umalma rin ang Kapamilya celebrities, journalists, at netizens sa balitang ito.

Tweet ni Karen Davila, “Now they’re after Skycable. Take everything away from the Lopezes, even if our 11,017 Filipinos are collateral damage. Talk about heartless vultures.”

“Apakaaaaaaaaaaaaaaaa!!!!!” na lang ang nasabi ni “Magandang Buhay” host Karla Estrada nang rinetweet niya ang isang balita nga tungkol sa planong pagpapatigil operasyon sa SKYcable.

“Wala ba kayong ibang magawa? Bat di niyo muna unahin tong hinaharap nating pandemic ah? Tapos pati SKY cable aalisin nyo pa? Dito na nga lang kami nagiging masaya kahit ganito ung nararanasan namin eh.. mga walang puso d nyo man lng inisip ung mga ibang tao,” galit na saad ni monTanga_ph.

Saad ni pwill999, “Kakapakabit lang namin ng SKYcable noong nakaraang linggo tapos ipapasara ninyo!”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.