Una sa Balita

Kapamilya actress nag-eskandalo sa airport  

By
0 3,577

Naaliw naman ako sa kuwento ng isang aktres na originally ay nasa Kapuso Network pero ngayon ay nasa kabilang istasyon na.

Kamakailan daw ay nangibang bansa ito para sa isang event. Sa pag-uwi raw nito sa Pilipinas ay nagkaroon ng delay ang eroplanong kanyang sasakyan due to technical problems.

Aba nag-tantrums daw ito sa airport at nagsisigaw sa mga airline staff na, “Hindi ba ninyo ako kilala? Artista ako at kailangan ko nang makauwi. Kapag hindi ako natuloy tonight ay idedemanda kayo ng management company ko.”

Sabeee??? Nagtinginan na lang daw mga staff ng airline at napailing na lang. May kayabangan sa katawan gayung hindi naman daw kagandahan at kasikatan. Talbog!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy