Una sa Balita

Kapalit ni Rep. Abad nakadepende sa rekomendasyon ng pamilya

By
0 32

Nakadepende sa magiging rekomendasyon ng pamilya ng pumanaw na si Batanes Rep. Henedina “Dina” Razon-Abad kung sino ang itatalagang caretaker bilang kapalit ng kongresista, ayon kay House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa ngayon ayon sa pinuno ng Kamara ay wala pang napipiling kapalit ng lady solon na pumunaw noong Oktubre 8, ngayong taon dahil sa cancer.

“Normally ako binibigyan kong galang iyong pamilya, yung courtesy ba. Kung sino iyong ire-recommend nila ay binibigyan ko ng weight iyon. Congressman, dapat member ng House of Representatives,” paghahayag ni Speaker Alvarez sa panayam ng media kahapon.

Binibigyan aniya ng courtesy ang pamilya at ang diskarte na ito ay ginawa rin ng lider ng Kamara sa iba.

“Ayaw ko naman na iba iyong standard na i-a-apply ko sa bawat ano, iyong mababakanteng posisyon,” sabi pa ni Alvarez.