Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kapalit ng sex: John Lapus hinikayat na ilaglag ang ABS-CBN

0 1,908

“Hindi po ako naniniwala na kampo ni Cong @congericgoyap ang tumawag sa akin. Hanggang ngayon natatawa pa din po ako,” ang chika ni John Lapus sa kanyang Instagram.

Nakakaloka lang, dahil hindi ka sure kung totoo nga ang post na `yon ni Sweet (tawag kay John) o pang-asar lang niya sa kay Cong. Yap (na nagsabi nga na may nagbalak na bayaran siya ng 200 milyon para bumoto ng ‘yes’ sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN).

Heto kasi ang sabi pa ni Sweet:

“May tumawag sa akin. Puwede ba daw ako mag-testigo against ABS-CBN? Kapalit ng pakikipagtalik sa isang Eric Yap. Hanggang ngayon natatawa ako.”

Well, pang-asar lang ba ito ni Sweet, o totoong naganap?

Barbie gustong magpasampal kay Cherie

Dumalo ang mga Kapuso actress na sina Barbie Forteza at Chynna Ortaleza sa online acting masterclass ng seasoned actress na si Cherie Gil nitong Martes, July 7.

Ibinahagi ito ni Chynna sa kanyang Instagram post na may kasama pang caption, “So I joined Cherie Gil’s Masterclass! Day 1 done and the insights I learned are jewels of a lifetime. I Love being an actor!”

Humanga ang mga fan kina Barbie at Chynna dahil kahit matatagal na silang artista ay willing pa rin daw silang matuto.

Well, sino ba naman ang tatanggi na maturuan ni Cherie? Eh, di ba nga, type rin ni Barbie na magpasampal kay Cherie Gil!

Anyway, naka-schedule ang Zoom class ni Cherie sa July 11, 14, 16, at 18 kung saan ibabahagi ng aktres ang mga natutunan niyang acting methods sa loob ng 45 taon niya sa showbiz.

Bianca Umali patok sa Spotify

Patok sa mga netizen ang latest single ng Kapuso actress na si Bianca Umali na “Kahit Kailan.” Ayon sa GMA Music, umabot na sa mahigit 300,000 streams sa Spotify ang debut single ng aktres.

Una itong ni-release noong March 2, mismong araw ng kanyang 21st birthday. April 15 naman nag-premiere ang official music video nito.

Ang “Kahit Kailan” ay available for streaming sa Apple Music, Spotify, YouTube Music, at other digital stores worldwide.

Leave A Reply

Your email address will not be published.