Una sa Balita

Kapalit ng pagtestigo vs PNoy Jinggoy may cabinet post

By ,
0 122

Kasunod ng mga ulat na nagpapahiwatig umano si dating Senador Jinggoy Estrada na handang tanggapin sakaling alukin siya ng puwesto sa gobyerno, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na wala siyang ideya kung mayroong alok si Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naman ito napapag-usapan sa gabinete.

Wala rin aniyang nababanggit ang Pangulo kung mayroon siyang mga bagong appointees.

Sa ngayon aniya, dalawang puwesto ang bakante sa gabinete at pinangangasiwaan lamang ng officer-in-charge matapos na hindi makalusot sa Commission on Appointments (CA) ang kumpirmasyon nina dating Department of Social Welfare and Development (DSWD) secretary Judy Taguiwalo at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano.

Gayunman, may mga ulat na gustong hawakan ni Estrada ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kapag inalok siya ng puwesto sa gabinete.

Samantala, sa tanong kung inalok si Estrada na maging state witness sa Disbursement Acceleration Program (DAP) ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III, sinabi ni Abella na wala siyang ideya ukol dito.
“I don’t know if there’s any offer that has been made. I think that’s the matter best left to the Sandiganbayan. Neither on that ground. We don’t have any reports on that,” pahayag ni Abella.

Bago pa man ang naturang pahayag ni Abella ay pinayuhan kamakalawa ng kampo ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si Estrada na magpahinga muna upang makapag-isip kung nakahanda siyang maging state witness sa multi-bilyong pisong DAP scam.

Una na ring sinabi ni Aguirre na maaari nilang gamitin si Estrada bilang state witness sa kaso para matulungan silang matukoy at maparusahan ang mga taong sangkot sa umano’y maanomalyang paggamit ng DAP ng dating administrasyon.

Makatutulong anya sa imbestigasyon ang pag-amin ni Estrada na tumanggap siya ng P50 milyon sa DAP fund noong administrasyon ni dating Pangulong Aquino para mapatalsik si dating Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial noong 2011. ()

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy