Una sa Balita

Kapalaran ng Foton Tornadoes babaguhin nina Collar, Manabat

0 360

Standings W L
Petron 7 0
F2 Logistics 6 1
Cignal 4 3
United VC 4 3
PLDT 3 4
Sta. Lucia 2 5
Generika-Ayala 1 6
Foton 1 6

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
2:00pm — Generika-Ayala vs PLDT
4:15pm — Petron vs Foton
7:00pm –– Cignal vs Sta. Lucia

IPAPARADA ng Foton Tornadoes ang bagong import at dating star player nila pagharap sa defending champion Petron Blaze Spikers sa simula ng second round ng Philippine Superliga Grand Prix.

Ibabangga ng Tornadoes ang bagong reinforcement na si Milagros Collar ng Spain at nagbabalik na si Dindin Manabat laban sa heavyweight Blaze Spikers sa alas-4:15 nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Humataw agad ng panalo ang Foton sa simula ng conference laban sa United Volleyball Club pero pagkatapos ay lupaypay sila ng anim na sunod para tapusin ang first round na kapit ang 1-6 card at nasa ilalim sila ng team standings.

Kaya nagdesisyon ang Tornadoes na kunin ang serbisyo ni Collar para palitan si Selime Ilyasoglu ng Turkey.

Malaking bagay din ang pagbabalik ni Santiago-Manabat para sa Foton sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Naglaro si 6-foot-2 Manabat bilang import ng Toray Arrows sa prestihiyosong V. Premier League sa Japan.

Nakapaglaro ang 15-year vete­ran, Collar sa Spanish national team, pumalo siya sa iba’t ibang club leagues sa Spain, Italy, France at Romania. 

Huling nilaruan ay sa Hyundai E&C Hilstate sa Korean League kung saan umiskor siya ng 36 points.

“Milagros an opposite who can really help us in the offensive end,” saad ni Foton team manager Diane Santiago kapatid nina Dindin Manabat at Jaja Santiago. “We already processed her ITC (international transfer certificate) as early as last week and she will be ready to play against Petron on Tuesday (nga­yon).” (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy