Una sa Balita

Kapakanan, proteksiyon ng IT-BPO employees tiyakin

By
0 854

PATULOY ang paglago ng industriya ng information technology-business pro­cess outsourcing (IT-BPO) sa Pilipinas kaya nararapat lamang na tiyakin ang kapakanan at proteksiyon ng mga empleyado nito.

Ito ang panawagan ni Quezon City Rep. Alfred Vargas kasabay nang pagsusulong na maaprubahan ang inihain nitong House Bill 5728 o ‘An Act Ensu­ring the Rights, Welfare and Safety of the Workers in the IT-BPO Industry in the Philippines.’

Ang naturang panukala ay kasalukuyang naka­binbin sa House Committee on Labor and Employment.

Todo suporta si Vargas IT-BPO industry kaya naman hinihimok nito ang gobyerno na siguruhing mabibigyan ng proteksiyon ang 1.2 milyong empleyado sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kara­patan at kapakanan ng mga ito partikular na sa kanilang kondisyong ­pangkalusugan.

Batay sa Bangko Sent­ral ng Pilipinas (BSP), nitong 2017 ay kumita ang BPO industry ng $24.5B na mas mataas kumpara sa $22.9B noong 2016.

Sa paglago ng ekonomiya, inihayag ni Vargas na nararapat lamang na isulong at pag­husayin ang working conditions, terms of employment, professional growth at career development ng mga kawani ng IT-BPO.

Batay sa panukala, wala dapat ‘understaffing’ o ‘overloading of work’ para walang pressure ang mga empleyado lalo na’t kadalasan ay panggabi ang trabaho ng mga ito.
Isinasaad pa sa House Bill 5728 na hindi dapat ina­abuso ng mga kompanya ng BPO ang mga manggagawa o pinagtatrabaho ng lagpas sa itinatadhana ng kontrata.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy